20

169 8 0
                                    

Chapter 20

    Sa labas lang nakatuon ang atensyon ko. Hindi ko magawang lumingon sa kanya kahit ramdam ko ang pagsulyap sulyap niya sa akin. Kanina pa namamawis ang parehas kong palad dahil sa kabang nararamdaman ko.

"How's first day?" maya maya ay tanong nito.


"Ahm, ayos lang naman. Wala pang masyadong ginawa," sagot ko. Shocks! Bakit ba kasi.


"What's your schedule for tomorrow?" lumingon ako sa kanya ng itanong niya iyon sa akin.



"Bakit?" kagat labing tanong ko sa kanya.


"Just asking," simpleng sabi nito, sasabihin ko ba sa kanya? Para saan naman?


" Hanggang alas dos lang ako ng tanghali bukas," sambit ko.


"Good to hear," nilingon ko siya ng sabihin niya iyon. Akala ko ay may idudugtong pa siya pero nag pokus na ito sa pagmamaneho.


Napatingin ako sa labas ng ihinto niya ang sasakyan sa isang tapat ng coffee shop, maraming tao ang nasa loob pero hindi naman puno. Malaki ang coffee shop. Teka, bakit kami narito?

"A—


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumabas siya ng sasakyan, ngumiwi na lang ako at bubuksan na sana ang pinto ng unahan niya ako. Tipid akong ngumiti sa kanya ng makababa ako.


" Anong gagawin natin dito?"tanong ko sa kanya. Ngumuso ako ng hindi siya sumagot, tinalikuran ako nito at naglakad na papasok sa loob. Wala na akong nagawa kun'di ang sundan na lang siya. Kailan ba ako makakakuha ng maayos na sagot sa kanya?

Umupo ito sa pang dalawahang upuan sa may bandang gilid, dahan dahan akong umupo sa harap niya habang nakatingin siya sa akin, nakakatakot na kumilos dahil sa mga tingin niya. Natutunaw ako.


"You hungry?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa menu na hawak niya. May nakatayong waiter sa gilid niya, pwede pala iyon kahit coffee shop lang? Akala ko ay ikaw mismo ang o-order.


"Hindi naman," sagot ko. Marami din ang kinain ko kanina sa school.

Inabot nito ang menu sa akin kaya kinuha ko. Medyo pamilyar ako sa mga nakalista pero masyadong mahal ang presyo. Kaya siguro may waiter na kukuha ng order mo.


"What's yours?" tanong nito sa akin, hindi ako makapili! Hindi naman kasi ako nagugutom.


"Hindi naman ako gu—



" 2 slices of Velvet cake and 2 cups of macchiato." tinikom ko na lang ang bibig ko saka binigay ang menu sa waiter. Inulit nito ang order ni Andres bago umalis.


Umayos ng upo si Andres, nakasandal na ito ngayon sa upuan niya habang mag-ka-krus ang dalawang braso na nakatingin sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya, nakakailang!


"You're blushing," kumunot ang noo ko at mabilis na hinawakan ang dalawang pisngi. Totoo ba? Nag-ba-blush ako? Nakakahiya!


"Kidding," dugtong nito sabay pakawala ng mahinang tawa. Hindi ko magawang mainis dahil ito ata ang unang beses na narinig ko siyang tumawa.


"What?"tanong niya ng makitang nakatitig ako sa kanya.


"Mas bagay sa'yo kapag nakangiti o tawa ka," dahil sa sinabi ko ay mabilis na bumalik ang itsura niya sa poker face. Ako naman ngayon ang mahinang natawa.


"Stop laughing," aniya, pero hindi ko mapigilan.


Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang itong lumapit sa akin, mabilis akong napasandal sa upuan, hindi makapaniwala sa ginawa niya. Ganyan siya, ang hilig niyang gumawa ng mga bagay na hindi mo inaasahan.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now