53

130 7 0
                                    

Chapter 53

  Sinag ng araw ang nagpamulat sa aking mga mata. Inikot ko ang paningin ko, kakabahan na sana ako ng makitang narito ako sa kwarto ko. Ano bang nangyari?

Napahawak ako sa sentido ko ng maramdaman ko itong kumirot. Damn, nalasing ako? Kung ganoon, sino ang nag-uwi sa akin? Sino ang nag hatid sa akin dito?


Tinignan ko ang cellphone ko na nasa gilid ng tumunog ito, agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag ng makitang si Adelaida ang tumatawag. Mukang siya ang makakasagot ng mga kasagutan ko.

"Gising ka na?" bungad na tanong nito, umayos ako ng higa patagilid. Ang sakit ng ulo ko!


" Hindi ata," sagot ko.


"Gising ka na nga, kamusta ang ulo, Aj? First time mo atang malasing e." aniya sabay tawa ng mahina, ngumuso ako. Wala talaga akong maalala.


"Ano'ng nangyari?" tanong ko sa kanya.


"Scam ka! Sabi mo ay hindi ka matutulog pero tulog ka na, pasalamat ka at hindi lasing sila Aivan kaya naihatid ka diyan sa bahay nyo,"


"Sigurado ka?"


"Oo, muka ba akong sinungaling?" umismid ako kahit hindi niya kita.

"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ko sa kanya.


"Ba't ang dami mong ininom? Broken?" tanong nito, nainis ako ng may halong pagtawa ang pag tatanong niya.


"Celebration, anong broken ka diyan!" sambit ko.


"Akala ko ay broken ka haha! Anyway, ibababa ko na at na-i-stress na naman ako dito," aniya, hindi niya na ako inantay na mag salita at binaba niya na ang tawag. Napabuga na lang ako sa hangin.


Alas tres na nang hapon, ang haba naman ata ng tulog ko.


Pinilit kong itayo ang sarili ko kahit na masakit ang ulo ko, nagugutom na ako at kailangan ko nang kumain. Uminom muna ako ng malamig na tubig bago pumunta sa cr para maligo.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang dumaloy sa katawan ko ang lamig ng tubig. Hindi na ako nagtagal sa cr dahil nagugutom na talaga ako.

Pagbaba ko ay wala akong naabutan sa sala pati sa dining. Agad akong inasikaso ng maid ng makita niya akong nakaupo.


"Nasaan sila mama?" tanong ko sa kanya.


"Umalis po sila madam," sagot nito, ngumuso ako. Bakit ba madam sila ng madam? Hindi ako sanay!


"Just call me Aj," sabi ko sa kanya.


"Baka po ay pagalitan kami ni sir," aniya, tumango na lang ako. Mamaya nga ay kakausapin ko si papa tungkol dito, hindi kasi ako sanay na ako ang tinatawag na madam o ma'am. Kahit ilang taon na ang nakakalipas.

"Saan daw pupunta?"


"Hindi po sinabi," aniya, nagpasalamat ako sa kanya ng matapos niyang asikasuhin ang pagkain ko. Nagpaalam itong maglilinis na muna kaya naiwan ako sa dining.


Nakalapag sa tabi ng plato ko ang cellphone ko, tumunog ito at nakitang tumatawag si mama.

"Yes ma," sagot ko.

"Kakagising mo lang?"

"Opo,"


"Kumain ka na? " uminom ako ng tubig bago sumagot. "Kumakain ngayon,"


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now