21

153 7 2
                                    

Chapter 21

   Isang linggo na ang lumipas simula ng mag-umpisa ang klase. Isang linggo na rin akong inihahatid sundo ni Andres. Yes, siya na ang nagsisilbing driver ko. Wala siyang sinasabi sa akin kung anong ibig sabihin ng ginagawa niya. Sa gabi naman ay nag-te-text siya sa akin pero ni minsan ay hindi siya tumatawag na pinagpapasalamat ko. Baka mapahiya lang ako kapag nangyari iyon.

"Ok na ba?" tanong ni Adelaida sa akin, narito ako ngayon sa kama niya nakaupo habang nanonood ng palabas sa laptop niya. Tamad ko siyang sinulyapan saka tumango sa kanya.


"Nakakainis ka," reklamo nito.


"Sumagot naman ako a, ayos na iyan," sambit ko sabay tingin sa suot niya.


She's wearing a black bralette and wide leg pants. Itim ang heels na suot nito na hindi naman kataasan. Nakalugay ang kulot niyang buhok, light lang ang make-up na nilagay niya sa kanyang mukha pero agaw pansin ang dark red na lipstick niya.


"Sa bar ba ang punta mo?" angat kilay na tanong ko sa kanya.


"Hindi, resort iyon e. Syempre kailangan kong umawra."aniya, inaayos nito ang kanyang buhok sa harap ng salamin.


" Kasama mo si Tasha?"tanong ko sa kanya, mabilis naman itong tumango. Umayos ito ng tayo saka bumaling sa akin.


" Wanna come?"pag aya niya pero agad ko siyang tinanggihan.


" Ayoko,"sambit ko.


" Kj mo, "


" Edi nandiyan si Kian?"tanong ko, napahinto ito sa pagsuklay ng buhok niya saka marahang tumango.


" How about Alfred, Ade? Kasama mo si Alfred 'di ba?"ngumuso ito sa akin kaya inirapan ko siya.


" Hindi ko naman kakausapin si Kian, kamustahan lang siguro, "aniya.


Tumayo ako at pinatay ang laptop niya, pinagkrus ko ang dalawang braso habang nakaharap sa kanya.


"Umayos ayos ka Adelaida, kapag nalaman ko ang kalokohan na ginagawa mo ay mayayari ka sa akin," pagbabanta ko sa kanya, mahina itong tumawa kaya nakaramdam ako ng inis. Hindi man lang niya magawang mag seryoso!


"Alam ko ang ginagawa ko, Aj."aniya, nagkibit balikat na lang ako sa kanya.



Sabay kaming lumabas ng kwarto niya, pupunta sila sa resort dahil inimbitahan daw sila ng kaklase niya. Dahil magkaklase sila ni Tasha ay magkasama sila, sinamahan lang sila ni Alfred dahil inaya niya ito. Hindi naman ako sumama kahit inaya niya ako. Hindi ako 'yong babaeng mahilig sa party, at baka pagalitan pa ako ni mama kapag nalaman niya ito. Besides, may kailangan din akong tapusin ngayon.


"Take care of her, fred." sabi ko sa kanya. Ang gwapo niya sa suot niyang simpleng black shirt at faded jeans. Magulo ang pag-kakaayos ng kanyang buhok, mukang sinadya niyang guluhin.


Sumaludo si Alfred sa akin, "Yes, madam." aniya.


"Anong oras kayo makakauwi?" tanong ko.


"Hindi kami aabot kinabukasan, Aj kaya 'wag kang mag alala."sabi ni Ade sa akin, nakapatong na ngayon ang itim niyang blazer sa kanyang balikat.

" Mag text na lang kayo kapag pauwi na kayo,"paalala ko.


" Ang strict naman ni mama," inirapan ko si Ade.


" Sige na, "pagtataboy ko sa kanila.



Inihatid ko sila sa may labas ng pinto, sakto namang bumukas ang sa tapat. Agad na ngumiti sa amin si Tasha ng makita kami, bumagay sa kanya ang suot niyang high wais short and black sando, gaya ni Ade ay may blazer din itong nakapatong sa kanyang balikat.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now