Chapter 59
"Here's your office, ma'am." sabi ni Samantha sa akin. Binuksan niya ang pintuan at pinauna akong pinapasok doon.
May kalakihan ang opisina na gagamitin ko, may mahabang sofa at nasa harapan nito ay TV, may mesa sa gitna, ang tanging harang lang ay ang malaking salamin kaya naman ay kita ang labas dito. Kita ang mga batang naglalaro sa buhanginan.
"Ihahanda ko na po ang breakfast nyo,"
"Salamat." sabi ko sa kanya, ngumiti ito bago lumabas.
Nilapag ko ang sling bag ko sa mesa. Wala akong ideya kung ano'ng trabaho ang gagawin ko dito. Kailangan ko rin bang mag isip ng strategy? Para saan naman? Malakas naman ang resort.
Isa-isang tinanggal ko ang tali ng mga aso. Agad silang nag kulit sa loob ng opisina. Hindi naman ako nag-wo-worry na dudumi o iihi sila dahil may suot naman silang diaper.
Napatingin ako sa pinto ng may marinig akong katok doon, agad akong naglakad palapit doon at binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin si Samantha na may hawak na tray, niluwagan ko ang pagbukas ng pinto para makapasok siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa ilapag niya ang tray sa coffee table. Umayos ito ng tayo saka humarap sa akin.
"Ano ang gagawin ko, Sam?" tanong ko sa kanya, umupo ako sa sofa at sinimulang asikasuhin ang pagkain na nasa harapan ko. Nagugutom na ako.
"Ang mga papeles po na nakalagay sa table ay kailangan nyong pirmahan." aniya. Tinignan ko naman ang mga papeles na nasa mesa, medyo may kataasan a.
"Lahat ng iyan?" tanong ko sa kanya, "Yes po and later you will meet the architect and engineer of this resort." kunot noo ko siyang tinignan. Archi and engineer? Para saan?
"For what?" takang tanong ko sa kanya.
"For renovation po," bakit wala man lang sinasabi sila papa? Para saan ang renovation?
"Renovation? Saan?"
"Dito po sa opisina nyo, ipaparenovate po ito ni sir." agad ko naman inikot ang paningin ko sa opisina, anong iibahin dito?
"Anong iibahin dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya, maayos naman ito a.
"Balak pong patayuan ng café dito," tumango na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. I think si papa ang kailangan kong kausapin tungkol dito.
"Tawagin nyo na lang po ako kapag may kailangan kayo," aniya.
"Sige salamat." sabi ko sa kanya.
Paglabas nya ng opisina ay agad akong tumayo para kunin ang cellphone ko. D-i-nial ko ang number ni papa, isang ring lang ay agad nya na itong sinagot.
"Yes, anak?" tingin ko ay bagong gising pa lang siya. Sabagay, alas syete pa lang ng umaga.
"Magtatayo ka ng café dito, pa?" diretsong tanong ko sa kanya.
"Ah, yeah. I forgot to tell you." aniya, nagpakawala pa siya ng mahinang tawa. Bumalik ako sa sofa para ituloy ang pagkain ko.
"For what?" tanong ko.
"It's for you. Your mom told me na mas magandang while you're working there ay asikasuhin mo na rin ang café dream mo."
"How about the lot that you gave me?" agad na tanong ko.
YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Teen Fiction"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...