29

154 8 2
                                    

Chapter 29

   Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ng cellphone ko, pikit matang kinuha ko ito at pinatay. Hindi agad nakapag-adjust ang mata ko sa brightness ng cellphone ko. May tatlong texts akong natanggap mula kay Andres wala sa oras na napangiti ako.

Andres:
   Done eating. What you're doing?


Andres:
  Are you sleeping na?


Andres:
  Were home. Sleep well, Jade.


Hindi pa tapos ang kilig na nararamdaman ko ng may text na naman akong natanggap mula sa kanya.

Andres:
  Good morning. Are you awake? Let's go to the park, I'll bring fur with us.

Medyo clingy siya a.


Umayos ako nang upo habang nagtitipa ng reply sa kanya.


Ako:
  Just woke up. Sure, papaalam ako kay mama. Good morning, btw.


Andres:
  Fur and I can wait.


Nakangiting iniling ko ang ulo ko. Hindi na ako nag reply sa kanya at naghilamos na. Mamaya na lang ako maliligo, medyo malamig kasi ngayon. Pero sana ay hindi umulan. Pagkatapos kong maghilamos ay kinuha ko ang bag ko para kunin ang suklay ko, nakangiti kong nilabas ang maliit na paper bag. Magugustuhan niya kaya ito? Napahawak ako sa dog tag na suot ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabibin ng nakasulat dito.


Mabilis kong binalik sa loob ng bag ang paper bag ng biglang bumukas ang pinto, nag-angat ako ng tingin, nakita ko si Alfred na nakasandal sa pintuan habang nakangisi sa akin.

"Hindi uso katok?" tanong ko sa kanya.


"Kumatok ako, hindi mo narinig dahil busy ka."makahulugan na sabi nito, inismiran ko lang siya at inayos na ang bag ko.


" Mag-ama mo nariyan na sa labas, inaantay ka na."nang-aasar na sabi nito.



" Magtigil ka nga,"kunyaring naiinis kong sabi sa kanya. Mag-ama? Bakit ang sarap pakinggan? Mabilis kong iniling ang ulo ko, bakit doon na ako napunta? Shocks!

" Kunyari ka pa e," hindi ko na lang siya pinansin.


Sabay kaming lumabas ng kwarto, agad nagtama ang paningin namin ni Andres na nakaupo sa mataas na upuan, umangat ang kilay nito sa akin iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Ang aga ko naman makakita ng anghel.



" Gising ka na pala, kumain ka muna bago kayo pumunta ng park ni Andres," agad kong tinignan si Andres na nakaangat pa rin ang kilay sa akin. Ano bang problema niya?


"Pinagpaalam ka na niya sa akin kanina, igagala nyo daw si Fur." sabi pa ni mama, marahang tumango na lang ako. Hindi ko na pala kailangan na mag-paalam dahil nakapag paalam na siya.


"Ang aga naman ng date nyo," bulong ni Alfred sa gilid ko, mahinang siniko ko siya. Kapag siya narinig ni mama!


"Maupo na kayong dalawa,"


Sinamaan ko ng tingin si Alfred ng hilahin niya ako paupo sa tabi ni Andres, sana pala ay naligo na muna ako. Ang bango ng katabi ko! Bakit ba ang tamad kong maligo?

"Good morning," he said.


"Ah, good morning."nahihiyang sabi ko. Alam ko naman na hindi mabaho ang hininga ko pero nahihiya ako, ang fresh niyang tignan kahit na hindi pa siya naliligo.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now