Special Chapter

329 20 12
                                    

Newlywed

   Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti ng makita ang mga kaibigan at pamilya ko na pumupunta sa amin ngayon, mahinang hinampas ako ni Ade ng makalapit ito ng tuluyan sa'kin.

"Gaga, congrats." aniya sa'kin, ngumiti naman ako ng matamis sa kanya, yumakap siya sa akin.

"Kami unang nag-propose pero kayo unang kinasal a," sabi naman ni Markus habang nakatingin sa amin, sinulyapan niya rin sila Maybelline at Dominique.

"Mabagal kasi kayo pre," sabi naman ni Aivan sa kanila, agad naman nila itong kinantyawan.

Tinignan ko si Andres, nakahawak ang kamay nito sa bewang ko at nakangiting sinasagot ang mga tanong sa kanya. Tinignan ako nito, hinapit niya ako palapit sa kanya.


" I wanted to go home na," mahinang bulong nito sa'kin.


Umayos kami ng pwesto para makuhanan ng litrato, nagugutom na ako pero mukang matatagalan pa kami dito sa loob dahil sa mga kaibigan kong panay kuha ng litrato. Hindi pa makalapit ang mga magulang namin dahil sa kanila.

"Bakit naman?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.


"For our honeymoon," mahinang hinampas ko ang dibdib niya, sa tuwing sinasabi niya iyon ay hindi maiwasan ang pamumula ng pisngi ko dahilan para asarin niya ako lalo.


Excited na rin ako but, this is our first time! Ano ba ang gagawin? Hindi ko alam.

"You're blushing again," muli ko siyang hinampas. "Ewan ko sa'yo," narinig ko ang mahinang tawa nito.


"Grabe, I can't believe it. Ang masungit kong kapatid ay kinasal na," kunyaring madramang sabi ni Tasha sa kaniya, even his cousins ay narito rin, kahit si Rupert ay nakarating din.

"Shut up, Tash." masungit na sabi nito sa kapatid, mahina akong natawa ng makita ang reaksyon ni Tasha, agad itong lumapit sa daddy niya para magsumbong.

"Matatagalan mo ba ang kasungitan niya, Aj? Grabe," muli na naman akong natawa dahil sa sinabi niya, mas lalong dinikit tuloy ako ni Andres sa kanya. Nagsisimula na naman siyang asarin ni Tasha.

Ngumiti ako kay mama ng magtama ang paningin namin, kanina pa siya iyak ng iyak, kahit si papa ay umiiyak din. Hindi ko tuloy maiwasan ang maluha din. Yumakap silang dalawa sa amin ni Andres, panay naman ang tulo ng luha ko dahil sa kanila.


"Hindi pa rin ako makapaniwala."sabi ni mama, pinupunasan na ni papa ang pisngi ni mama dahil walang tigil ang pagtulo ng luha nito.


" Parang kailan lang, Kristina. Ngayon ay balae ka na namin, "sabi ni tita Amy sa kanya, nagtawanan ang dalawa dahil sa sinabi ni tita.


Niyakap ako ni papa pati ni tito Andrew. Tinapik naman nila ang balikat ni Andres.

" Stop calling tita and tito to us, Aj. Tawagin mo na kaming mom and dad, " nakangiting sabi sa'kin ni tita Amy.

"Noted po, mommy."


Kumuha kami ng litrato, masyadong madami na ang pagkukuha ng picture pero ayaw pa rin nilang tumigil.

"Tara na, nagugutom na ako!"


Nauna kami ni Andres sa reception, magkatabi kami sa likod habang si Aivan naman ang driver namin, kanina pa nakabusangot ang mukha nito dahil siya ang pinili ni Andres na magmaneho.



"Hindi ko I-ne-expect sa'yo to, Andres." umiiling na sabi ni Aivan sa kanya, mahina akong natawa saka tinignan si Andres, nagkibit balikat lang ito sa akin.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now