Chapter 26
Pag-gising ko kinabukasan ay wala na si mama. Lagi naman siyang maagang nagigising. Niligpit ko ang hinigaan ko bago asikasuhin ang sarili. Hindi muna ako naligo, balak kong maglakad sa park ngayon. Wala lang, gusto ko lang mag lakad-lakad.
Dahan dahan akong naglakad palabas para silipin ang dining, napahinga ako ng maluwag ng makitang malinis na ang mesa at wala ng tao doon. Kung sabagay, tanghali na rin kasi.
Pinuntahan ko si mama sa garden dahil wala ito sa kusina o sala, naabutan ko siyang nagdidilig. Nilapitan ko siya saka umupo sa upuan.
"Nag-almusal ka na?" tanong ni mama, hindi naman siya lumingon sa akin. Paano niya nalaman na ako ito?
"Hindi pa, kayo po?" balik tanong ko.
"Kumain na, may tirang spaghetti doon. Kumain ka na." aniya, agad nagningning ang mata ko. Kailan nga ba iyong huli kong kain ng spaghetti? Hindi ko na matandaan!
Tumayo ako para pumasok sa loob, pero napahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako ni mama.
" Bakit?"tanong ko.
" Hindi pa kumakain si Andres, sabay na kayo." gusto kong umapela sa sinabi ni mama, bakit naman kami magsasabay? Anong meron?
" Baka tulog pa siya,"sambit ko. Hindi ko na inantay na makasagot siya at nagpatuloy na sa paglalakad sa loob.
Gusto kong bumalik sa garden ng makita ko si Andres na nakaupo sa dining, may hawak itong diyaryo, inaasikaso ni ate Nena ang pagkain niya. Hindi siya nag-angat ng tingin, baka hindi niya ako napansin.
"O, Aj? Mag-almusal ka na," ani ate Nena sa akin, nilingon ko si ate at pasimpleng tumingin kay Andres, nanatili ang paningin niya sa diyaryo na hawak niya. Tsh!
"Mamaya pa po, may kukunin lang po ako sa loob," sagot ko.
Nakanguso akong naglakad papasok sa loob. Inis kong hinagis ang unan sa sahig, bakit hindi siya namamansin? Ako ba may kasalanan? Hindi naman a! Ako nga itong pinag-antay niya ng tatlong oras doon, tapos malalaman kong kumakain sila sa Mcdo. Kung nasiraan siya ng sasakyan, bakit hindi siya tumawag o mag-text man lang? Hindi niya ba alam na may nag-aantay sa kanya?
Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman kong tumunog ito sa bulsa ko, nakanguso kong binasa ang message ni Adelaida sa akin.
Adelaida:
Mamayang gabi ka na lang umuwi. Birthday ni Taitus, nag-aya sila.Ako:
Sunduin mo ako mamaya.Adelaida:
Nandiyan si Andres 'di ba? Bakit magpapasundo ka?Magtitipa na sana ako ng reply ng tumawag siya. Humiga ako sa kama bago sagutin ang tawag niya.
"May problema kayo?" agad na tanong nito.
"Wala naman," sagot ko.
"Liar, Amarine Jade. Ano nga?" pangungulit nito.
"Mamaya sasabihin ko sa'yo, sunduin mo ako mamaya, a?"
"Alright, dadaan din kasi si Alfred mamaya sa mama niya."
"Sige, text mo na lang ako." sabi ko.
"Sige, kwento mo mamaya nang ayaw mong ihagis kita sa bintana ng sasakyan," natawa ako sa sinabi niya. "Huwag mo akong tatawanan, Amarine Jade." mas lalong lumakas ang tawa ko.

YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Подростковая литература"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...