35

137 8 0
                                    

Chapter 35

   Malapit na kami sa condo pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nangangapa naman ako ng sasabihin ko, paniguradong nakita niya ang ginawa ni Dominique kanina kaya siya nagkakaganyan siya. Mameh, help me! Hindi ko alam kung paanong makikipag usap sa kanya sa ganitong sitwasyon.


"Andres," tawag ko, tinignan ko siya pero seryoso lang siyang nagmamaneho. Ngumuso ako habang nakatingin sa kanya, hindi man lang siya lumingon sa akin. Hindi niya ako pinapansin.


"Huy," tawag ko, sinundot ko pa ang tagiliran niya pero wala pa rin.


Umayos ako ng upo saka kumamot sa ulo, hindi naman ako marunong manuyo. Paano ba iyon? Ilang araw pa lang ang relasyon namin away agad? Natural lang ba iyon kapag bago ang relasyon? Magtatagal ba kapag umpisa pa lang ay nag aaway na?


Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas hanggang sa makarating kami sa condo. Maayos niyang pi-nark ang kanyang sasakyan. Nauna itong lumabas kaya wala na akong nagawa kun'di ang lumabas na din. Walang salitang naglakad ito papunta sa elevator, kagat labi ko lang siyang sinusundan na maglakad. Ang sungit niya!


Kaming dalawa lang sa loob ng makapasok kami, nasa unahan ko siya, medyo malayo ang agwat namin sa isa't-isa. Paano ko siya kakausapin? Anong una kong sasabihin? Hayst!


Nagmadali siyang lumabas ng magbukas ang elevator, nakita ko ang mga kaibigan nila na nag-aantay sa tapat ng unit nila. Nginitian ko sila ng magtama ang mga paningin namin, tatawagin ko na sana si Andres pero agad na itong pumasok sa unit nila ng hindi man lang ako nililingon.


"Ah...oh, LQ?" tanong ni Jasmine sa akin, kamot ulo naman akong tumingin sa kanya.


Tinignan ko si Aivan ng bigla niya akong akbayan, "Kailangan mong masanay, Aj. He's too blunt and straightforward pero madali siyang magtampo o magselos." nakangising sabi niya habang nakatingin sa unit nilang sarado.

"E---



" Don't worry, kakausapin ka rin niyan mamaya. Parehas pa kayong nangangapa sa relasyon nyo, parehas lang kasing bago sa pakiramdam nyo. "aniya sabay gulo ng buhok ko, tipid na ngumiti na lang ako sa kanya.


" Mag aayos na muna ako,"


Hinayaan kong bukas ang pinto para kung gusto nilang pumasok sa loob. Naabutan ko ang dalawa na kalalabas lang ng kwarto nila, bitbit na nila ang maliit na maleta nila.


"Marami kayong dinala?" tanong ko sa kanila.


"Beach iyon, Aj. Kaya malamang,"


"Wala akong maletang maliit lang," sambit ko, kung gagamitin ko ang maleta ko diyan ay para naman akong magtatagal doon.


"I have,"


Pumasok sa kwarto si Ade, paglabas nito ay may bitbit na siyang maletang kulay itim. Magkasing laki ng gamit niya.


"Salamat,"


Pumasok na ako sa kwarto habang bitbit ang maleta na pinahiram ni Ade, nakaready na ang mga damit na bibitbitin ko kaya naman ay ilalagay ko na lang ito sa loob ng maleta. Siniguro kong wala akong naiwang importanteng gamit bago nag palit ng damit.


Inaayos ko ang suot kong hoodie sa harap ng salamin, nilagay ko ang ilang importanteng gamit sa sling bag ko. Itim na hoodie at cotton short ang suot ko. Medyo mahaba haba ang byahe kaya kailangan komportable ang suot ko.


Inilugay ko na lang ang buhok ko, nang makontento na ay saka lang ako lumabas ng kwarto. Lahat sila ay nakaupo sa sala, narito na rin si Andres na ang paningin ay nasa kanyang cellphone.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now