47

131 6 0
                                    

Chapter 47

Tahimik akong naglalakad papasok sa loob ng subdivision. Mag-isa lang akong pumunta rito para puntahan si mama, magkaiba kasi ang schedule namin ni Alfred kaya hindi kami sabay. Mamaya o bukas pa ata siya makakapunta rito.

Mabilis akong nagtago sa malaking puno ng makita ko si mama na may kasamang lalaki, kumunot ang noo ko. Sino ang kasama niya? Napaawang ang bibig ko ng magyakap ang dalawa, siniksik ko pa ang sarili ko sa puno ng sumakay ang lalaki sa sasakyan at mabilis na pinaadar ito.

Sino iyon?


Inantay ko na munang makapasok si mama sa loob bago pumasok. Naabutan ko siya sa kusina na nag huhugas, mukang maganda ang mood niya a.


"Ma," tawag ko, mabilis akong nilingon nito.


"O, mag-isa ka lang?" tanong ni mama sa akin, tumango naman ako. "Opo, bukas pa ata si Alfred," sagot ko.


"Wala pa rin ang mag-anak. Mukang matatagalan doon dahil lumala ang pakiramdam ni sir Dennis," 'yong lolo siguro 'yong tinutukoy ni mama.


"Mga ilang araw ma?" tanong ko, miss ko na talaga si Andres!


"Hindi ko alam," sagot nito. "Maupo ka na at maghahanda na ako ng makakain mo," agad ko naman siyang sinunod.


Sino kaya 'yong kasama niya kanina? Gusto ko siyang tanungin, may jowa si mama? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Mukang mayaman a, may sasakyan e! Hindi ko masyado nakita ang mukha dahil madilim.

" Kayo ma? Kumain na kayo?" tanong ko sa kanya ng mailapag niya ang pinggan sa tapat ko.


"Oo kanina pa," sagot nito.


Nginitian ko si ate Nena ng lumabas ito ng kwarto, dumiretso siya sa garden. Mukang magdidilig na naman siya. Pwede bang magdilig ng gabi?


Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha, agad akong nanlumo ng hindi galing kay Andres ang message, galing kay Rachel.


Rachel:
Alfred invited me! After the hard work ito na! We"ll celebrate this tom ay mali sa lunes pala, haha!

Napangiti ako saka nag tipa ng reply sa kanya.

Ako:
Happy for you.


Bumuntong hininga ako, nag-uusap kami ni Andres sa IG, panay ang refresh ko ng conversation namin, umaasang mag-re-reply na siya pero wala pa din.


Tatlong araw na simula ng huli niyang paramdam, kahit si Tasha ay wala ring paramdam. Tinatanong ko sila Aivan pero wala rin silang update kay Andres, ano na kayang nangyari? Masyado naman atang busy ang boyfriend ko.


Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Gusto ko mang matulog sa taas pero lalo ko lang namimiss si Andres, mag-i-isang linggo na siyang wala sa tabi ko, normal pa ba itong nararamdaman ko? Kung may pera lang ako ay pinuntahan ko na siya doon. E kaso wala, kaya ang kaya ko lang gawin ay ang mag-antay sa kanya.

Paglabas ko sa cr ay naabutan ko si mama na nakahiga na, himala ata at maaga siya ngayon ah. Umupo ito ng makita ako, umupo ako sa tabi niya.


"May sasabihin ako," seryosong aniya, may kung anong kaba naman akong naramdaman. Masyadong seryoso ang pagkakasabi niya.

"Ano po?" tanong ko.


"May nakita na akong bahay na titirhan natin,"


"P--po?" takang tanong ko, akala ko ba ay hindi pa kami aalis dito? Bakit...ang bilis naman ata!



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now