63

185 13 7
                                    

Chapter 63

  Isang palakpakan ang narinig ko nang ma cut ko na ang ribbon sa gitna. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko, pati sila mama na katabi ko. Nandito din ang mga kaibigan ko na kahit busy sila ay inuna nilang pumunta rito para suportahan ako.

"Congrats!"nakangiting sabi ni Ade sa akin.



" Salamat,"sambit ko, ang ilan ay binati din ako kaya walang sawang nagpapasalamat naman ako.



" Aj! Your baby!" sabi ni Aivan sa akin sabay abot ng cellphone ko, nagmadali ko namang kunin ito sa kanya.


" Hi." nakangiting sabi ko kay Andres, he's in the office, sa spain. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng suit. Bagay na bagay sa kanya. Ang gwapo ng boyfriend ko.


" Congrats," bati nito sa akin.



"Thank you. Wish you were here." tipid ngiting sabi ko sa kanya, ngumiti ito nang malaki sa akin. "I'll treat you, kapag nakabalik na ako." tumango ako sa kanya.


Tatlong araw na simula nang bumalik siya sa Spain, pero hindi katulad dati. Ngayon, hindi matatapos ang isang araw na hindi kami nag-uusap, talagang naghahanap siya ng time para makipagvc sa akin o kahit sa message lang. Bakit hindi niya ginawa no'ng una? Kaya naman pala.


Inasikaso ko ang mga bisita, wala na tuloy space sa loob ng café dahil sa dami nila. Sa mga kaibigan ko pa lang ay tatlong pwesto na ang nakuha nila. Kapag sa maynila nga ay sisiguraduhin kong malawak ang café na gagawin doon.


"After many many years, nagkaroon din siya nang café." nakangising sabi ni Ade sa akin, tumabi ako ng upo sa kanya. Malaki na ang tiyan ni Tricia, ngumiti ito ng magtama ang paningin namin kaya ganoon din ang ginawa ko.


"You want to touch it?" tanong ni Tricia sa akin, mabilis akong tumango sa kanya. Umurong ako palapit sa kanya saka hinawakan ang tiyan niya.


"She's awake." wow, baby girl!


"Hala, gumagalaw!" gulat na sabi ko ng maramdaman ang pag galaw nito, kita rin ang pag galaw. Parang mabubutas 'yong tiyan ni Tricia, haha! Ang kulit naman niya!


"Mukang mana na nga sa ama e," natatawang sabi ni Tasha sa amin sabay lingon kay Taitus.


"Mali ka Tash, mukang dalawang Tricia ang kailangan kong bantayan," aniya sabay iling. Hindi naman maldita si Tricia, sakto lang.


"Buti nga sa'yo." sabay belat ni Tasha sa kanya.


"Palibhasa ay walang jowa."



"Excuse me?" angat kilay na sabi ni Tasha sa kanya, mahina akong natawa.


"O, bakit? Wala naman talaga." sabi ni Taitus sa kanya.


Ngumiwi si Tasha. "Wala nga," ngiwing sabi nito dahilan para magtawanan kami.


Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan kami dito sa loob ng café, dahil tirik ang araw ay mamaya na sila maliligo. Buti nga at hindi umulan, pero maganda din dahil blessing iyon 'di ba?


"Maganda pala dito," maya maya ay sabi ni Rachel, agad naman silang sumang ayon pati ako.


"Totoo 'yan, nakakarelax na magtrabaho dahil nasa harapan mo ang karagatan." sambit ko sabay tingin sa labas. Medyo marami ang turista na pumupunta ngayon. Sabagay, bakasyon kasi kaya marami ang pumupunta.


"I'm jealous." nakangusong sabi ni Tasha sa akin.


"Magpatayo ka rin ng store mo rito, Tasha. Bentahan mo sila ng gown, tignan natin kung hindi ka malugi." sabi ni Aivan sa kanya, malakas na hinampas ni Tasha si Aivan, agad naman itong napangiwi. Nagtawanan kami.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now