37

148 5 0
                                    

Chapter 37

   Pagdating sa room ay agad akong umupo, tinungo ko ang ulo sa mesa. Inaantok pa ako! Anong oras na kasi kami nakauwi, kaninang madaling araw lang, kaonting tulog lang ang ginawa ko dahil maaga ang klase ko ngayon. Late pa nga.


"Muntikan ka nang ma late," sabi ni Rachel sa akin, nag-angat ako ng tingin sa kanya saka ngumuso. Hindi na ako nakapasok ng first subject dahil anong oras na ako nagising.

"Kulang ang tulog ko," nakangusong sabi ko sa kanya. Ilang minuto na lang at next subject na namin. Buti na lang at napilit ko ang sarili na kumilos.

"Hey,"


Kumaway ako sa tatlo na kapapasok lang, tingin ko ay galing sila sa cafeteria. May mga bitbit kasi silang pagkain. Ngumiti ako kay Seb ng ilapag niya sa harapan namin ang bote ng c2.


"May hang over ka ba?" tanong ni Dominique sa akin, mabilis naman akong umiling sa kanya.


"Wala a, anong oras lang kami nakauwi."sagot ko. Binuksan ko ang c2 saka tinungga ito. Sarap, malamig lamig pa. Sana nagbigay din sila ng tinapay, hindi na kasi ako nakakain sa unit dahil late na ako!


" Pagkatapos nito ay makakatulog ka ng mahaba haba," sabi ni Rachel sa akin.


" Sana nga."


Umayos kami ng upo ng dumating na ang prof. Nilapag nito ang dala niyang mga papel sa mesa na nasa harap. Hindi naman siya ganoon ka strict, may mas strict pa na instructor sa kanya.


" Midterm is coming my dear students."panimula nito, tinignan ko si Rachel na sumimangot lang sa akin.

" I want you to make a group. 4 to 5 members, it's all up to you kung sino ang gusto nyong makagrupo. Mga college students na kayo, "

Tumingin ang tatlong lalaking nasa harapan namin, paniguradong kami-kami ang magkakasama.


"I want you to interview some students. About sa topic naman ay kayo na mismo ang mag po-provide ng topic niyo. Madaling topic lang ang gawin nyo para hindi na kayo mahirapan."


"Prof, pwede po ba kahit sa ibang school?" tanong ng isang kaklase ko.


"Yes of course, miss. Sa ibang university o department as long as they're college students. College students lang."

Nagpaliwanag pa si prof ng mga kailangan at bawal na gawin bago siya lumabas ng room. Maaga nga siyang nagpadismissed nag-iwan naman ng gagawin.


" So, anong topic natin?"tanong ni Rachel sa amin, humarap ang tatlo sa amin. Ang ibang mga kaklase ko ay nagsisimula na ring mag-usap usap.


" Dapat specific lang," sabi ni Seb, sumangayon kami.


" How about love?"mabilis na nilingon ko si Rachel ng sabihin niya iyon.


" Na naman?"natatawang sabi ni Marvin sa kanya, mahinang hinampas niya si Marvin.


"Madali lang iyon, madali lang din mag-interview. Pwede si Aj since inlove siya ngayon." napa face palm na lang ako sa sinabi ni Rachel sa akin.


"Hindi ka nakikinig, bawal nga ka grupo e."sabi ni Seb sa kanya.


" Biro lang, "natatawang sabi ni Rachel.


" So, ano?"


Nagkibit balikat ako sa kanila," It's up to you, guys."sambit ko.



Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now