18

152 9 0
                                    

Chapter 18

    Tahimik kaming naglalakad ni Andres, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Marami na kaming nadaanan na tindahan pero ni isa ay wala kaming pinasukan doon. Dumidilim na ang kalangitan, marami kaming nakakasalubong na humahaba ang leeg sa kakatingin sa kasama ko.

Should I start a conversation? Para naman hindi boring, papansinin naman niya kaya ako?

"Are you familiar here?" tanong ko sa kanya, nilingon niya ako kaya nilingon ko rin siya.


"Yeah," tipid na sagot niya. Ang tipid talaga!


"Talaga?" kunyaring gulat na tanong ko, wala na ba siyang idudugtong?


"Yeah, Atasha and I lived here when we were in junior year," aniya, napangiti ako. May idudugtong naman pala siya e. Kailangan lang siguro magparinig.

"Wow," tanging nasabi ko na lang.


Huminto kami sa isang malaking store, tinignan ko ang malaking letra na nakasulat sa itaas.


"Ralph's wine and spirits," mahinang basa ko.


"Andres, my man!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa kanya ng makapasok kami sa loob. Nakipag fist bump si Andres at tipid na ngumiti, mukang matagal na silang magkakilala.


"Long time no see, where have you been?" tanong nito sa kasama ko.


"Spain," tipid talaga.


"Kasama mo ang kambal mo?" tanong nito, I guess hindi niya pa ako nakikita.


"Yeah, she's in our condo."sagot nito.


Tipid akong ngumiti ng tignan niya ako mula sa likuran ni Andres, kumunot ang noo nito sabay ngisi kay Andres.


" Ella es tu chica? " ha? Ano lenggwahe ang gamit niya?

" No  ahora tal vez pronto. " sagot naman ng kasama ko.


Inikot ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng store. Puros wine ang narito, may mga tinapay din silang tinda. Tingin ko ay mahal ang mga wine na nakadisplay dito, hindi naman ito ang iniinom namin. Hanggang mumurahing alak lang kami.

"Ganoon pa rin ba?" tanong ng lalaki kay Andres.

"Yep,"

May mga ilang tao ang narito, nagtitingin tingin ng mga wine na nakadisplay. Nang mapadpad ako sa mga tinapay na nakadisplay ay nanubig ang bibig ko, I really love pastries, sa itsura pa lang ng mga tinapay na narito ay piling ko ay masarap na.


" You want some?" mabilis kong nabitawan ang tinapay na nahawakan ko ng marinig ko ang boses ni Andres. Hindi na talaga ako magtataka, lagi na lang siyang nanggugulat!


"Ha? Hindi," mabilis na sagot ko.


"Get one," mabilis ko siyang nilingon. "Hindi-- 'wag na," mabilis na pagtanggi ko sa kanya.


"Just one, Jade." nauubusang pasensyang sabi niya, hindi ko siya sinunod. Umangat ang kilay nito sa akin saka bumuntong hininga bago kunin ang tinapay na hawak ko kanina at dalhin sa counter, mabilis akong naglakad para habulin siya. Hindi ko natuloy ang plano ko ng may tatlong babae at isang lalaki na lumapit sa kanya.

"Wow? Is this true? Andres is here?" sabi ng babaeng kulay pula ang mahabang buhok.


"Grabe, wala man lang paramdam," sabi naman ng babaeng katabi niya. Maiksi lang ang buhok nito na kulay violet, mukang uso sa kanila ang magpakulay ng buhok.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now