Chapter 42
Nilagay ko ang kamay ko sa aking noo para punasan ang pawis doon. Masyadong tirik ang araw kaya napagpasyahan naming sumilong na muna.
"Ang init," sabi ni Rachel.
Nandito kami ngayon sa riverbank para mag practice ng role play namin. Pangatlong araw na namin ito pero hindi pa kami ganoon nakakausad. Hindi rin naman kasi madali.
"O, tubig na muna." inabutan kami ni Seb ng tubig.
"Salamat," sambit ko.
Naupo na muna kami sa damuhan para magpahinga. Maagang na dismissed ang klase namin kaya nakapag practice kami nang maaga.
"Kahit weekend ba may practice?" tanong ni Marie sa amin.
"Wala muna siguro, midterm na natin next week. Review muna for two days," sabi ni Dominique. Sumang ayon naman kami sa sinabi niya.
Ginamit kong pamaypay ang script na hawak ko. Hindi naman marami ang script ko kaya madaling kabisaduhin.
"Let's start para makapagpahinga tayo nang maaga,"
Si Dominique at Seb ang tumatayong lider sa aming grupo, magaling sila mag manage ng grupo. Lalo na si Dominique, hindi ko alam na may ganito pala siyang side, masyado siyang seryoso kapag umpisa na ang practice.
" Ang galing nila no, "sabi ni Rachel habang nakatingin sa kanila, tapos na ang scene namin kaya naman nakaupo lang muna kami.
" Ikaw din naman, ang galing mo ngang umarte e,"sabi ko sa kanya.
" Tsh, bola. Anyway, hindi ba talaga nag rereply si Alfred? Hindi man lang niya sinasagot isa sa mga messages ko. "nakangusong sabi nito sa akin.
" Maybe he's busy." sagot ko, mabilis magreply si Alfred, bakit hindi niya sinasagot ang mga messages ni Rachel? Makausap nga mamaya.
" Busy, tsh. Baka ayaw niya lang talaga replyan. Damot nya a, 'yong kay Aivan na lang, may number ka?"
"E? Ang bilis mo namang magpalit?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Alam mo kasi, Aj. Kapag ayaw sa'yo nang tao huwag mo nang ipilit," sabi nito sa akin.
"Parang wala pang isang linggo ay titigil ka na?"singit ni Marvin sa usapan namin.
" Bakit? Alangan naman na ipagsiksikan ko pa 'yong sarili ko sa kanya."
"Malamang, sinusuyo mo 'yong tao e. Kaya malamang,"
"Ha! Bakit ko naman gagawin iyon kung alam ko naman na umpisa pa lang ay ayaw na niya sa akin?" angat kilay na tanong ni Rachel sa kanya.
"O sige nga, alam mo naman pala na ayaw sa'yo umpisa pa lang bakit sinubukan mo pa? Bakit tumagal pa ng Ilang araw?" gusto kong matawa sa kanilang dalawa pero masyado silang seryoso sa pagtatalo.
Hindi nakaimik si Rachel, hindi ata alam ang sasabihin.
" Alam mo, Rachel. Don't give up easily. Sinimulan mo naman na bakit titigil mo na? Ang gawin mo, ibigay mo 'yong best mo. Pero kung wala pa rin talaga atleast hindi ka nagsisi na tinigil mo ng maaga, atleast alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang best mo at siya na ang may problema." tinapik ni Marvin ang balikat ni Rachel bago tumayo at naglakad papunta kila Seb, mukang line niya na.
" Alam mo, papansin talaga iyan si Marvin."ngusong sabi nito.
" May point naman siya e, bakit nga titigil mo agad e wala ka pa naman na napapatunayan."sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Novela Juvenil"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...