34

145 8 1
                                    

Chapter 34

  Tinutulungan ko si mama na ihanda ang mga pagkain sa mesa. Sabado pa lang ngayon pero kumpleto sila dito. Nginitian ko si Tasha ng magtama ang paningin namin, wala pa si Andres, nasaan kaya siya? Ang sabi ni mama ay maaga daw iyon nagising.

Napatingin ako sa asong papunta dito, si fur. Nasa likod nito si Andres na medyo basa ang buhok, iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng maramdaman kong titingin siya sa akin.

"Sumabay ka na sa amin, iha."sabi ni tita Amy sa akin.

" Hindi na po, mauna na po kayo."nakangiting tanggi ko.


" Sumabay ka na at hindi ka pa nag-aalmusal,"sumimangot ako kay mama ng pwersahan niya akong paupuin sa upuan, pinanlakihan ko ng mata si Andres ng umupo ito sa tabi ko pero parang balewala lang iyon sa kanya.


"They already know that I'm courting you, Jade. No need to worry," kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan. Shocks! Hindi talaga siya nagpapapigil.

"He's too blunt, Aj." sabi ni tito Andrew sa akin, alinlangan naman akong ngumiti sa kanya.

"Kailangan mo nang masanay kapag kasama mo ang anak ko, pero...naniniwala naman ako sa kanya na magiging matino siya kapag ikaw na ang kasama niya." sabi ni tita Amy sa'kin.


Sa loob-loob ko ay gusto ko nang ngumiti. Ibig bang sabihin nito ay wala silang problema kahit na nililigawan ako ng anak nila? Hindi naman sa naghahanap ako ng problema, hindi lang ako makapaniwala. They're rich. Mayaman sila, ang akala ko kasi ay meron silang ipagkakasundo sa mga anak nila. Ganoon naman ang mga mayayaman 'di ba?


"Pag-uusapan na ba natin ang kasalan, Kristina?" nagbibirong tanong ni tita Amy kay mama, pasimple ko namang tinignan si mama. Ngumiti ito sa amo.


"Kung pu-pwede ay bakit hindi?" ngumuso ako, alam kong nagbibiro lang siya pero... Pinamimigay niya na ba ako?


"Sige na, kumain na tayo."


Gustuhin ko mang pigilan si Andres sa paglagay ng pagkain sa pinggan ko ay hindi ko magawa. Kailan ba siya nagpapigil? Shocks! Sana aware siyang narito ang magulang niya pati ang nanay ko!


"I never see him like that, mom."sabi ni Tasha na nasa harapan ko.

" Ako din anak, my baby boy is now a big man."kunyaring nagdadramang sabi ni tita Amy.

" Stop calling me baby boy, mom." Andres said while rolling his eyes to her mom. Wow!

Tumawa ng mahina si tita saka umiling. Bumalik si mama sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa niya. Pakiramdam ko ay parte na ako ng pamilya nila, they treat me very well, maayos ang pakikitungo nila sa amin ni mama. Ang swerte ni mama dahil nagkaroon siya ng among katulad nila.

"Kumain ka pa, Aj. Huwag kang magpapagutom," sabi ni tito sa akin.

" Sige po."


"Your dad's birthday is coming. We decided na hindi gagawa ng party. Pupunta na lang tayo sa batangas para doon i-celebrate ang birthday ng dad nyo, ayos na ba iyon sa inyo?"


"Sa resort ba natin mom?" tanong ni Tasha, nakangiting tumango si tita sa kanya. Ngumiti ng malaki si Tasha sa ina sabay tango. Tinignan naman ni tita si Andres, nakita ko ang pagtango nito. Matipid talaga siya e no? Kahit sa magulang niya.


"You should  come with us, Aj. Lahat tayo dito sa bahay ay pupunta ng batangas," nakaramdam ako ng excitement ng sabihin niya iyon sa akin.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now