56

144 8 2
                                    

Chapter 56

   Isang hampas ng unan ang nag pa gising sa akin. Nakapamewang si Ade sa gilid ko nang buksan ko ang mga mata ko.

"Ano ba?" mahina kong tanong sa kanya, inaantok pa ako!


"Oras na nang pag gising, anong oras na!" medyo malakas na sabi niya. Napansin ko na kaming dalawa na lang ang narito. Anong oras na ba?


"Anong oras na?" tanong ko.


"Alas dose na! Bakit tinanghali ka? Nakaligo na kami, nakakain na kami pero tulog ka pa rin." aniya. "Ano ang ginawa mo kagabi?" umupo ako saka kinunot ang noo ko sa kanya. "Wala," sambit ko, anong oras na ba ako nakatulog?


"Bilisan mo na, maya maya ay maghahanda na ang dalawa." aniya, lumabas na ito ng kwarto.


Pinilit ko ang sarili na tumayo, dumiretso ako sa maleta ko at kumuha ng damit doon. Kinuha ko ang itim na swimsuit, parehas lang na design na suot ko kahapon. Kulay lang ang pinagkakaiba. Kumuha rin ako ng maong short at sandong itim para takpan ang suot ko.


Pagtapos kong maligo ay pinatuyo ko ng blower ang buhok ko. Sinulyapan ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Isang tawag mula kay mama ang natanggap ko kaya agad ko itong sinagot.


"Ma?" tanong ko, hininto ko ang pagpapatuyo ng buhok ko. Medyo tuyo na rin naman.


"Kamusta kayo diyan?" tanong niya sa akin.


"Ayos naman po," sagot ko. Naglagay ako ng liptint sa labi, inayos ko ang buhok ko saka tumayo at lumabas na.


"Huwag masyadong iinom, Amarine Jade." aniya, tumango ako. "Opo ma,"


"Ayy, ma. Pagkauwi ko ba ay pupunta na agad ako sa batangas?" nilapitan ko sila Ade ng matanaw ko sila.


"Ikaw, kung anong gusto mo."

"Mag aayos na muna ako ng gamit," sambit ko, umupo ako sa tabi nila ng tuluyan akong makalapit.


"Sige, ikaw ang bahala."


Tinago ko ang cellphone ko ng ibaba ni mama ang tawag. Nagtama ang paningin namin ni Aivan, nauna itong mag-iwas ng tingin sa akin.


"Hindi ka pa kumakain, ano?" tanong ni Seb sa akin, napahawak naman ako sa tiyan ko. Oo nga pala! Wala naman kasi akong nakita doon sa mesa na nakahandang pagkain.


"Kain na muna tayo," aya ni Ade sa amin.


Tumayo kami at naghanap ng pwedeng kakainan, katabi ng restaurant na kinainan namin kagabi ang pinasukan namin. Walang gaanong tao dito ng makapasok kami. Anong oras na rin kasi, oras na ng pahinga.


"Ikaw naman manlibre Aj," sabi ni Ade sa akin, nakaupo ito sa tapat ko. Katabi ko naman si Seb at Audrey.


"Ako na nga sa byahe at hotel ako pa manlilibre ng pagkain nyo?"


"Kuripot mo talaga, ate. Samantalang ang lakas ng boutique mo e."sabi ni Audrey sa kanya, ngumisi ako sa kanya. Kahit kailan ay hindi kampi ang kapatid niya sa kanya.


"Tsh, pagtutulungan nyo na naman ako, ano? Ang galing. "irap matang sabi nito sa amin, mahina kaming natawa.


Sila ni Kian ang nagbayad ng kinain namin, pagkatapos naming kumain ay muli kaming bumalik sa pwesto namin kanina. Nag umpisa ng maligo ang iba sa kanila, wala akong ganang maligo. Wala rin naman kasi akong kasama kaya mabuting bantayan na lang ang gamit nila.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now