28

147 5 0
                                    

Chapter 28

   Kanina ko pa sinasamaan ng tingin ang tatlo, nakaupo sila sa dining habang nakatanaw sa akin, nasa gilid ko si Andres na ngayon ay nagsisimula ng maghiwa. Hindi ko alam kung anong balak na lutuin niya.


"Help him, Aj. Hindi  'yung nakatunganga ka, sagabal ka lang diyan," mas tinaliman ko ang tingin ko kay Adelaida ng sabihin niya iyon. Sino kayang nagsabi na dito ako? Hindi ba siya! Papansin e.

"Hindi siya marunong magluto, Andres. Papayag ka ba ng asawang hindi marunong magluto?" pagpapatuloy ni Adelaida. Gusto ko ng ihagis sa kanya ang kalderong nasa tabi ko. Ayaw niyang itikom ang kanyang bibig!


"As long as she loves to eat the food that I cook." kinagat ko ang ibabang labi ko, gusto kong sumigaw dahil sa kilig! Hindi niya ba alam na kinikilig ako sa ginagawa niya? Shocks! Pero ang hirap na magpigil ng kilig a.


"Prepare the plates, babe. Were going to eat," malamig na utos nito sa akin, nang tignan ko siya ay kumindat ito sa akin. Nanghina ang parehas na tuhod ko, mabuti na lang at nakahawak ako sa counter para magsilbing alalay ko, kung hindi ay matutumba na lang ako bigla dito.


"Wala kayong label niyan a," bulong ni Ade sa akin, tinutulungan niya akong ayusin ang mga pinggan na gagamitin namin.


"Shut up," mahina pero may diin na sabi ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.


"Dapat mo na atang ipaalam kay tita iyan," inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Sasabihin ko rin naman, humahanap lang ako ng tyempo.


Calderetang baboy at steak ang nasa hapag. Nilapag ko ang pinggan na may kanin na bagong saing. Itsura pa lang ng ulam ay masarap na!

"Let's eat," excited na sabi ni Tasha.

Sa gitna umupo si Alfred samantalang magkatabi naman si Adelaida at Tasha, this is their plan. Wala na akong nagawa kun'di ang umupo sa tabi ni Andres.

Kinuha nito ang pinggan ko at siya na mismo ang naglagay ng pagkain, patago akong ngumuso. He's sweet, ano kayang klase siyang boyfriend? Teka...bakit bigla kong naisip iyon? As if naman na papatulan niya ako.

"Eat now, Jade."

Kinuha ko ang kubyertos, una kong tinikman ang steak na niluto niya. Nakahiwa na kasi ito ng binigay niya sa akin, tinignan ko siya...nakatingin ito sa akin, inaantay ang reaksyon ko.


"Masarap," mahinang sabi ko. Totoong masarap!  Bakit ang galing niyang magluto? Magpaturo kaya ako sa kanya na magluto? Para naman may silbi ako.


"Nahiya lang iyan si Aj, Andres." sabi ni Ade na nag uumpisa na rin kumain.



"Andres is my chef, no'ng nasa Spain kami ay siya ang laging nagluluto." proud na sabi ni Tasha, nilingon ko naman si Andres na tahimik ng kumakain.


"Ang swerte ng magiging asawa mo," sabi ni Ade sa kanya.


Muntikan ko ng mabitawan ang kubyertos na hawak ko ng lingunin niya ako. Gustuhin ko mang ibalik ang atensyon ko sa pagkaing nasa harap ko ay hindi ko magawa.


"Lucky," he whispered habang nakatingin sa akin.


Tinignan ko ang dalawa na ngayon ay mahinang tumitili sa harap, si Alfred naman ay nakangisi habang umiiling sa akin,kaya sinimangutan ko ito.

Halos isang oras ang tinagal namin sa hapag, panay ang asar nila sa akin. Ako na ang nahihiya dahil wala naman akong naririnig na salita mula kay Andres, lagi ko lang siyang nakikitang nakangisi. Hindi ko alam ang dahilan.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now