02

294 15 0
                                    

Chapter Two

  Wala na sa tabi ko si mama nang magising ako. Wala na rin si ate Nena na natulog sa kabilang kama. Anong oras na ba? Tirik na ang araw ng silipin ko ang bintana. Tumayo na ako at niligpit ang pinaghigaan ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas.

Naabutan ko si mama na naghuhugas ng pinagkainan, napahinto ito ng makita ako.

"Nagugutom ka na ba? Kumain ka na muna," sabi nito sa akin.

"Kumain ka na ba ma?" tanong ko. Pinunasan nito ang kanyang kamay at humarap sa'kin. "Tapos na, ikaw na lang ang kakain." tumango ako at umupo na.

Pinagsilbihan ako ni mama, tapos na rin kaya kumain ang mga amo niya? Ang aga naman ata nilang kumain. Kung sabagay ay may mga trabaho ang mga 'yun.

"Sa sala muna ako at maglilinis lang," tumango na lang ako sa kanya at nag umpisa ng kumain. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.


Fried egg, bacon, and fried rice ang nakahain sa mesa. Meron ding isang baso nang gatas. Hindi naman ako baby para mag gatas, kung sabagay, bawal ako ng kape.

"Good morning, Aj," nakangiting bati ni ate Nena sa akin, she's holding a hose. Hindi ko alam kung para saan niya 'yun gagamitin.

"Good morning po, kumain na po kayo?" tanong ko sa kanya.

"Tapos na, sabay kami ng mama mo kanina." aniya. Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi ko na siya nakausap dahil mukang busy siya.

Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Hinanap ko si mama, nakita ko ito sa may garden, nagdidilig ng mga halaman. Naglakad ako papunta sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin.

"Wow, ang ganda pala dito!" manghang sabi ko, nasa gitna ang pool habang nasa magkabilang gilid ang mga tanim na bulaklak at mga halaman. Iba ibang klase ng mga bulaklak ang nakatanim dito, iba iba ang kulay. May kubo sa dulo na nagsisilbing cottage, malaki kasi ang kubo. Kasya ang sampung katao. Iba talaga kapag mayaman.

"Mas maganda kapag gabi," sabi ni mama sa akin.

"Bakit naman?" takang tanong ko.


"Maganda ang mga ilaw dito," aniya, inikot ko ang paningin ko. Parang gusto ko na tuloy mag gabi para makita ko.

"Anong gagawin ko rito ma?" nakangusong sabi ko, sa bikol, kapag ganitong walang pasok ay nasa bukid kami ng mga pinsan ko, minsan ay tumatambay pero madalas ay tumutulong kami sa pagtatanim.

"Wala, hindi ka pwedeng gumala, hindi mo alam ang lugar dito," aniya, mas lalong humaba ang nguso ko.

"Wala bang park dito ma?" tanong ko sa kanya.

"Meron, kung gusto mong pumunta doon ay dalhin mo si Fur, para naman nakakalabas ang asong 'yun." agad lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga ma? Ngayon na ako lalabas!" excited na sabi ko, sinamaan ako nang tingin ni mama saka umiling sa akin, tinapos niya na muna ang pagdidilig sa mga halaman. Pagkatapos ay tinabi niya sa gilid ang hose na ginamit niya.

Naglakad si mama papasok sa loob kaya sinundan ko siya, agad sumalubong sa kanya ang tatlong aso. Lumapit sa akin si Fur kaya naman ay umupo ako para bitbitin ito.

"Babae o lalaki ito ma?"


"Babae iyan, kaya 'wag mong ilalapit sa ibang mga aso. Baka mamaya ay masalisihan ka. Masyado pang bata 'yan." sabi ni mama sa akin.

Ang strict naman pala ng nag aalaga sa'yo!

"Ayaw kasi ni Andres na ipabuntis 'yan," dugtong nito, nagkibit balikat na lang ako.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now