07

202 11 0
                                    

Chapter Seven

   Kanina pa namamawis ang parehas na palad ko. Nakahinto na ang sasakyan nila Adelaida sa tapat ng UP, may mga ilang estudyante na rin akong nakikitang pumapasok sa loob.

"You nervous?" tanong ni Ade sa akin, mabilis akong umiling sa kanya.


"Hindi halata a," sarcastic na sabi nito.


"Kuya, itetext na lang po kita kapag magpapasundo na kami."sabi ni Ade sa driver nila, nasa harap si Alfred nakalingon sa amin.

" Sige po,"


Binuksan ko na ang pintuan saka bumaba, agad naman sumunod si Adelaida. May dala akong isang plastic envelope. May lamang lapis, ballpen, eraser at pantasa. Isa kasi ito sa mga kailangan na dalhin. Nasa loob din ng envelope ang form ko.

"Magkahiwalay kaya tayo?" tanong ko sa kanila.

"Malamang, mag kakaiba tayo ng kurso," sabi ni Ade sa akin.


Sa architecture department ako mag eexam. Hindi ko alam kung nasaan ang dalawa. May place kami kung saan mag hihintayan.

"Next,"


Inabot ko ang form ko, chineck ito ng babaeng nakaupo sa labas ng room.

"Pasok,"

Agad hinanap ng mga mata ko ang upuan ko, nang makita ko ito ay agad na akong umupo doon. Nginitian ko ang babaeng katabi ko.

"Hi, I'm Rachelle, ikaw?"

"Amarine," nakangiting sabi ko.

"MM ka din ba?" tanong nito, bahagya akong nagulat. Ang alam ko kasi ay iba ibang course ang mag eexam sa iisang room.

"Ah, oo."sambit ko.


" Wow, sana ay magkaklase tayo," masayang sabi niya.


" Sana nga,"sambit ko. Bakit may pakiramdam ako na hindi ako makakapasa dito?

Thirty five kaming mag eexam sa loob ng room. Medyo malaki ang room at air conditioning pa. Malaki ang Arki department dito sa UP. We started the opening prayer, nagpakilala ang babaeng nasa harapan namin. She's a professor here in UP, architecture course ang hawak niya.

" May oras sa bawat subject na i-te-take nyo. Kapag hindi alam ang sagot ay huwag ubusin ang oras, laktawan at balikan kapag tapos na."paalala sa amin.



" Get one and pass,"

Kinuha ko ang paper na nasa harapan ko at kumuha ng isa, nginitian ako ng lalaking nasa likuran ko ng ipasa ko ang papel sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya. I'm not a friendly person, pero mukang kailangan ko itong gawin ngayon.

"Start,"

Nagsimula kaming sumagot. Pinokus ko ang atensyon ko sa papel na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng pag-asa na ipapasa ko ito. Ang hirap ng exam! I don't have a choice but to be smart with these papers, dahil kung hindi ay yari na ako!

Halos tatlong oras ang nilaan namin sa exam. Pwede kaming kumain habang nag e-exam, buti na lang at may dala akong biskwit at tubig. Nagugutom na ako. Saan kaya kami kakain mamaya?


"Good luck to everyone, I hope na maturuan ko kayo sa pasukan."nakangiting sabi ng prof na nasa harapan namin.

We do a closing prayer then saying goodbye's to each other. Sabay kaming naglakad pababa ni Rachel, may mga kasama rin siya kagaya ko.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now