Chapter 25
Hanggang sa makauwi ako sa condo ay nakasimangot ako. Buti na lang at wala pa sila Adelaida ng makapasok ako sa loob, dumiretso ako sa kwarto ko at inis na nilapag ko ang bag ko sa kama saka inis na umupo dito.
He should tell me kung hindi niya ako masusundo, maiintindihan ko naman e. Hindi niya ako kailangan pag-antayin doon. Tatlong oras, really? Tatlong oras akong nag-antay doon tapos makikita ko lang siyang kumakain sa mcdo with his classmate?
Damn!
Inis kong pinahid ang luhang tumulo mula sa aking mata, itiningala ko ang ulo ko para pigilan ang pagtulo nito pero hindi ito nakapagpigil. Why I am crying? Nakakainis!
Hindi ko alam kung anong tawag sa mayroon kami, wala siyang sinasabi...hindi naman siya nagbibigay ng idea kung anong meron kami. Natatakot akong magtanong sa kanya, paano kung ako lang pala? Paano kung normal lang pala ang mga ginagawa niya para sa kanya?
Simula ng makita ko ang babaeng iyon ay nagkaroon ako ng insecurities sa katawan. That girl is really had a match to him! They're both rich, expensive and so on. While us? Sobrang layo ng agwat naming dalawa. Adelaida already warned me about this, sana ay nakinig ako! Hindi ko nagawang pigilan ang nararamdaman ko. Tuluyan na itong nahulog.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, saktong umilaw ito at tumatawag si Adelaida. Mahina akong tumikhim bago sagutin ang tawag niya.
"Where are you?" tanong ko.
"Medyo ma-le-late ako ng uwi, may kailangan pa akong tapusin dito e, nandiyan na ba si Alfred?" aniya.
"Wala pa pero nag text siya sa akin kanina na ma-le-late din siya ng uwi," sagot ko.
"Ganoon ba? Nasa condo ka na ba?"
"Oo, nandito na ako. Maghahanda ba ako ng pagkain?"
"Hindi na, dito na lang ako kakain. Ask Alfred kung diyan siya kakain sa condo,"
"Sige,"
"Ang aga mo naman ata umuwi, akala ko ay may date kayo ni Andres?" bigla akong nawalan ng mood na makipag-usap sa kanya ng marinig ko ang pangalan niya. What should i tell her?
"Maagang natapos," pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba? Sige ibababa ko na. Need ko na lang talagang matapos ito," nagmamadaling sabi niya, hindi niya na ako inantay na makapag salita at agad ng binaba ang tawag.
Muling tumunog ang cellphone ko at this time ay pangalan na ni Andres ang nakalagay. Wala akong balak na sagutin ang tawag niya kaya naman inantay ko lang ito na mag end ang ring. Nakatulala ako sa dalawang missed calls niya.
Bakit ba siya tumatawag?
Iniwan ko ang cellphone ko sa kama saka nag puntang closet para kumuha ng damit. Bigla akong nakaramdam ng gutom at lalabas na lang ako para bumili ng pagkain. Pagkatapos ko sa cr ay inayos ko ang suot kong itim na jacket na may kalakihan at maong short. Sinulyapan ko ang cellphone kong nasa kama, nagdadalawang isip kung dadalhin ko ba o hindi. Sa huli ay hindi ko ito dinala at kinuha ang wallet ko.
Sinuot ko ang hoodie ng jacket ko bago sumakay sa loob ng elevator. Pagkabukas ng pinto ay agad na akong lumalabas. Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Andres na nakakunot ang noo sa akin, agad akong ginapangan ng kaba ng makita siya.
"Where are you going?" seryosong tanong nito sa akin. He sound mad! Bakit naman siya nagagalit?
"Lalabas lang," tipid na sagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Ficção Adolescente"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...