41

138 5 0
                                    

Chapter 41

   "Midterm is coming. Prepared yourself." sabi ng prof namin. Nakarinig ako ng mahinang reklamo mula sa mga kaklase ko.

"Test na naman," mahinang sabi ni Rachel sa akin.


"Part of our life," sagot ko.


"Buti ka pa matalino," aniya sabay yuko ng ulo sa mesa, marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Hindi ako matalino, Rachel. Nag-aaral lang." sambit ko. Iyon naman ang totoo.


Nag-angat ito ng tingin, "Bakit ako? Nag-aaral naman ako a," ngusong sabi nito sa akin.

"May nag-aaral bang tulog?" singit ni Seb.


"Papansin ka na naman?" irap matang sabi ni Rachel sa kanya.


"Truth hurts," he murmured.


Pinanlakihan ko nang mata si Rachel para hindi na magsalita, hahaba na naman kasi ang pagtatalo nila. Maya-maya din ay dumating na ang next subject namin, here we go...history again.

"For your midterm project, I want you to role play the topic that we already discussed." nakatinginan kami ni Rachel, bakit ang hirap?


"10 members for each group. Kayo na ang bahala kung sino ang mga ka grupo niya. Not 9, not 11 but 10. Alam kong walang sosobra sa inyo dahil sakto lang ang bilang nyo."

"Now, make a group. We don't have a discussion for today, gusto kong pag-usapan nyo ang oras natin sa gagawin nyo. Matagal pa naman ang deadline but... I want you to be ready.


" Any questions?"



" Ma'am, pa video po ba?"


" Hindi, you're going to do that live." biglang bumagsak ang balikat ko, live? Bakit live?!


"Kahit kailan pahirap to e," mahinang sabi ni Rachel sa akin.


"Huwag kang maingay," saway ko sa kanya.


"No more questions? Kapag tapos nang pag-usapan ang project nyo ay pwede na kayong umuwi. Take note, the role play must be 5-10 minutes."


Sinundan namin ng tingin si ma'am hanggang sa makalabas na ito ng room, narinig ko ang ilang reklamo ng mga kaklase ko.


" Kapag ako hindi nakapasa, nako!"may halong gigil na sabi ni Seb.


" Let's find other members,"


Naghanap kami ng lima pa para maging kompleto ang group namin, hindi naman kami nahirapan sa paghahanap. May mga willing naman na sumali sa group namin. Bale, tatlong grupo ang nabuo sa section namin.


"Ahm, ano'ng gusto niyong i role play natin, guys?" tanong ni Seb sa kanila.


"How about, Balintawak or pugad lawin?" suggest ng babaeng kasama namin sa grupo, ano nga ba ulit pangalan niya?


"Aabot kaya ng 5 minutes iyon? Parang ang hirap namang i-role play non," sabi naman ni Gerald, isa sa mga kasama ko.



"Ano ba mga tinackle?" mahina akong natawa sa tanong ni Rachel sa akin, "Akala ko ba nag-aaral ka?" natatawang tanong ko sa kanya.



"Nakalimutan ko na e," ngusong sabi nito, umiling na lang ako sa kanya.




"KKK na lang," suggest ko, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil sabay-sabay silang tumingin sa akin, ok, may mali ba sa sinabi ko?


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now