04

224 14 0
                                    

Chapter Four

  I was busy scrolling on my phone when I heard a knock from the door. Dali-dali akong tumayo para buksan ang pintuan.

"Hi!" nakangiting sabi ni Anastasia sa akin, wala sa oras na inayos ko ang buhok ko. Kakagising ko lang! Sana pala ay naghilamos na muna ako.

"Hi," nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Aj, right?" tanong niya sa pangalan ko. Tumango ako.

"Mom tell us about you, na ikaw ang natutulog sa kwartong ito." aniya, niluwagan ko ang pagbukas ng pinto. Ngumiti ito sa akin bago pumasok. Umupo ito sa kama saka inikot ang paningin.

"Ayos lang ba?"kinakabahang tanong ko.

" Of course! That's good to hear, btw. Atlast may makakausap na ako, "aniya.

She's wearing a red terno pajama. Bagay sa kanya. Muka siyang bagong gising, her messy hair makes her more attractive. Nahiya ako bigla, para akong sabog.

Tumayo ito saka naglakad palabas." Sabay tayo mag breakfast, hintayin kita a!" magsasalita pa sana ako ng isara niya na mismo ang pinto. Ngumuso na lang ako.


Bakit gusto niyang magsabay kaming mag breakfast?

Hindi na ako tumambay sa kwarto, naghilamos at inayos ang sarili bago bumaba. Dumiretso ako sa kusina, nakita ko si mama na naghahain sa mesa.

"Kumain ka na, Aj," sabi ni mama ng makita ako.

Nginitian ako ni Tasha ng magtama ang paningin namin. Siya lang ang nakaupo sa mesa, nasaan ang kambal niya? At bakit hinahanap ko ang masungit na 'yun?

"Sige po,"

Umupo ako sa tapat niya. Muli itong ngumiti sa akin. Akala ko ay masungit siya. She looks like masungit kasi.

"Nasaan si Andres?" tanong ni mama.

"He woke up early ate, baka nag jog." aniya.


"Oh? Hindi ko siya napansin,"

Nilapag ni mama ang pinggan sa harap ko.  Ayos lang bang sumabay akong kumain sa amo nila? 'di ba bawal 'yon?


"Si Anastasia na ang nagsabi na sabay kayong kakain ng breakfast, Aj. Huwag mo akong tignan ng ganyan," napalunok ako sa sinabi ni mama at dahan dahang tumingin kay Tashia. Inosente itong nakatingin sa aming mag ina.

"Nagtataka kasi siya kung bakit magkasabay kayong kumain," sabi ni mama kay Tasha. Na gets niya naman agad.

"I told you earlier, right? Sabay tayong mag aagahan," aniya sabay subo ng kanin.


"Oo nga," alinlangan kong sabi.


"Kumain ka na," sabi ni mama.

Nagsimula na rin akong kumain. Tinanong ko si mama kung tapos na siya, sabi niya ay oo. Mukang maaga talaga silang nagigising dito.

"Incoming college?" tanong ni Tasha sa akin. Nagpunas ako ng bibig bago sumagot. "Yeah, you?" tanong ko kahit alam ko naman na first year college na rin sila sa pasukan. May mapag usapan lang, bakit ba?

"Hmm, yeah. Anong course ang kukunin mo?" tanong nito.


"I'm planning to take marketing." sabi ko.


"Hmm, really? Business ha," tumango ako. "Yeah, plano kong magtayo ng sariling bake shop."

"Good to hear that."

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now