CHAPTER 58

1.6K 76 20
                                    

[FIROAH]

He’s still breathing!

Hindi na ako nag-aksaya pang punasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Sa halip ay linagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang tiyan kung sa’n naroroon ang malalim niyang sugat dahil sa espadang nakatarak dito kanina. Sobrang daming mantsa ng dugo ang kaniyang damit kaya nasisiguro kong maraming dugo na ang nawala sa kaniya.

Ipinikit ko ang mga mata at ilang sandali pa’y naramdaman ang pag-ilaw ng aking mga kamay—hudyat na may namumuo ng enerhiya ro’n. Idiniin ko ito sa kaniyang tiyan at nang buksan ang aking mga mata, unti-unting nawawala ang puting ilaw na nagmumula sa aking mga kamay at naghilom na rin ang sugat do’n. May mga itim pang mga usok na kumawala sa kaniyang tiyan na nasisiguro kong lason na nagmumula sa espada. Inalis ko na ang mga kamay ko ro’n nang may humawak dito; agad nabaling ang tingin ko sa mukha ni Sairi at nasalubong ang kaniyang mga mata. Dinala niya sa kaniyang mukha ang aking mga kamay at hinaplos ito.

Muli akong naluha nang mataman niya akong tinitigan at hagkan ang aking kamay. Lumandas ang tingin ko sa kabuohan ng kaniyang mukha. That irritating smirk on his face and the words he said made me stop from crying.

“I love the kiss more, baby. May masakit pa sa katawan ko. Mas effective ’yon pampagaling.”

How could he joke like that to me when I almost lost him again? How could her smirk like that?

Ambang susuntukin ko siya nang humigpit ang hawak niya sa mga kamay kong nasa mukha niya. Lumapad ang kaniyang pagngisi; sinamaan ko siya ng tingin pero agad din ’yong nawala nang tumulo ulit ang mga luha ko.

“You almost died! How can you smirk like nothing happened?” sumbat ko.

Sumeryoso siya saka binitawan ang aking mga kamay. Bumangon siya na parang hindi nag-agaw buhay kanina saka umupo sa harap ko at pinunasan ang aking mukha. My heart had been throbbing with pain when I saw him lying unconscious yet he’s acting this way? How could he?

“I love you,” halos pabulong niyang saad, sa mga namumugto kong mga mata deretso nakatitig.

I really wanted to shout at him, but because of those three words, the guts to do it, the rants I wanted to say to him, had disappeared. He really knew how to shut me up and I did not like it. But I love him.

I rest my head on his chest and encircled my arms on his neck as I continued sobbing. He caressed my back, then encircled his hands around my waist.

“I’m sorry. I made you cry again,” he whispeared in my ears.

Ilang minuto kami sa gano’ng posisyon nang maramdaman naming nayayanig na ang palasyo. Sairi looked at me in the eyes seriously as he lifted me—bridal style. Magpoprotesta pa sana ako nang naunahan niya akong magsalita.

“We need to get out of here now, Fire.”

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon at hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang leeg. Ilang sandali pa’y napapikit ako nang humampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Pagdilat ko ng aking mga mata, nasa harap na kami nila Shin at ng iba pang mga nijius.

“Sairi!”

“Firoah!”

Sabay na nasambit ng LEs ang pangalan namin saka nakangiting lumapit. Ibinaba ako ni Sairi at agad naman akong niyakap ni Hikari. Sumunod naman si Angie at Michi na umiiyak nang yumakap sa akin.

“Na-miss ka namin,” ani Angie at hinigpitan ang yakap sa akin.

Natawa ako saka gumanti ng yakap. “Parang ilang buwan naman akong nawala, ah. Saka pa’no ba tayo napunta sa lugar na ’to?” Natawa sila sa tanong ko dahilan ng pagkakunot ng aking noo. “Bakit ba kayo tumatawa?”

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon