Huni ng mga ibon ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kinusot ko ang aking mga mata saka linibot ang tingin sa paligid. Nasa sekretong hardin sa kagubatan na naman kami ni Sairi ngunit nakaupo sa malaking sanga ng punong kahoy na naroroon habang nakasandal ang likod ko sa kaniya. Nakayapos ang mga kamay niya sa baywang ko at nakasandal naman siya sa katawan ng puno. Mga sanga at dahon lang ng mga punong nasa paligid ang nakikita ko dahil sa kakaunting sinag ng araw.
Nalula pa ako nang tingnan ang ibaba sa sobrang taas ng kinaroroonan namin. Naroon ang mga umiilaw na bulaklak na kung tawagin ay ‘galactic flowers’ at ang mga asul na mga bagay na kumikislap.
“You’re awake.”
Liningon ko si Sairi nang marinig ang namamaos niyang boses. “Kanina ka pa gising?”
Tipid siyang ngumiti. “Not really.”
Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mukha. Halatang kagigising niya lang din dahil sa inaantok pa niyang mga mata. Namumungay iyon at napapapikit pa. Magulo rin ang kaniyang buhok.
“I think, we need to go back now,” saad ko nang matingnan ang wristwatch. Alas otso y media na kasi at baka hinahanap na kami ng LEs.
Isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko. “Hmmm. Mamaya na. Let’s just stay like this for a while.”
“But I’m hungry,” saad ko’t umusog. Muntik pa akong mahulog nang gawin ko iyon. Mabuti na lang at maagap siya.
Natatatawa niya akong pinirmi sa bisig niya habang nakatalikod sa kaniya. “Clumsy.”
I just glared at him.
Nangunot ang noo ko at nahinto kami ni Sairi sa pag-uusap nang marinig ang malakas na pagsabog. Nagkatitigan kami at hindi agad nakapagsalita. Sigurado akong sa main building nanggagaling ang pagsabog na iyon. “Ano ’yon? Ano’ng nangyayari?” Umusbong ang kaba sa aking dibdib nang manlabo ang paningin ko at makita sa aking isipan ang kasulukuyang nagaganap na labanan sa academy. “They’re attacking the academy!”
Umawang ang bibig niya, pinproseso ang sinabi ko, sakavhinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Sabay kaming tumayo at bumuwelo upang lumipad. Hindi pa kami nakalalapit sa main building ngunit tanaw na namin ang pinsalang dulot ng pagsabog. The dark magic users were everywhere!
Paano sila nakapasok dito? Hindi ko inaasahang dito sila susugod sa academy. Makapal na barrier ang nakapalibot dito upang siguraduhing walang dark magic users na makapapasok. Buong akala namin ay sa labas ng academy sila susugod, ngunit heto sila ngayon.
Posible kayang... may mga half-nijius pang natitira at siyang dahilan kung bakit nakapasok ang mga dark magic users ngayon?
“Sai,”—Nangangambang liningon ko si Sairi—“paanong nakapasok sila rito?”
“I don’t know,” halos pabulong at naiiling niyang sagot.
Nang tuluyan nang makalapit ay agad na lumapit sa amin ang LEs pati na sila Shin. Pinalibutan nila kami, tila pinoprotektahan.
“Sairi! Protect Firoah no matter what!” sigaw ni Shin saka pinaslang ang dark magic user na lumapit sa kaniya.
Naguguluhan kong binaling ang tingin sa kaniya. “What? Why?”
“They’re after you!” sigaw Raiton. Nagpakawala siya ng kidlat saka tumalon upang patamaan ang mga nagkukupulang kalaban. “You must’ve not went here. You must hide now!”
“I didn’t know!” ani Sairi na parang naiinis sa sarili niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Naikuyom ko ang kamao habang pinagmamasdan ang nangyayari. Bakit hindi ko sila naramdaman? Bakit hindi ko nakita ang pangyayaring ito nang mas maaga? Masyado ba akong naka-focus kay Sairi? O sadyang biglaan lang ito? “Bakit nakapasok sila rito?”
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...