Dahil isang linggo ring nasa underground lang ang LEs maliban kay Sairi, isang linggo rin kaming walang pasok. Most of the time, I’m just at my dorm reading a book and would just go out to go to the cafeteria to eat with Sairi or when Sairi called me and asked me to go out of my dorm. Siya lang lagi ang kasama ko tuwing lumalabas. Madalas, sa rooftop kami nakatambay o sa likod ng dorm—pinagmamasdan ang mga nagsasayaw-sayaw na mga iba’t ibang kulay na parang bahaghari sa kalangitan, o pinagmamasdan ang mga isda ilalim ng tulay.
Now, we’re at the wide field sitting on the grassy ground under the tree while I’m reading a book and he’s just sitting next to me. The weather seemed fine. The breeze was not cold yet not warm. Birds were chirping above the tree and as some leaves were falling on the ground.
Sometimes, Sairi’s eyes were at the center of the field, looking at the students who were playing soccer, but most of the time, I could feel his stare at me just like what he’s doing right now.
“Baka matunaw ako,” saad ko, sa libro ang tingin.
“Dati pa sana. I’ve always been staring at you back then,” pilyong saad niya.
Hindi ako nakapagsalita at nagpatuloy na lang sa pagbabasa kahit ramdam ang mga titig niya. Tumagilid siya sa sinandal ang ulo sa balikat ko dahilan para lingunin ko siya ngunit hindi ko naman makita ang mukha niya dahil tinabunan niya iyon ng libro.
“I’m sleepy,” saad niya sa namamaos na boses, saka kinuha ang libro sa mukha niya upang salubungin ang tingin ko. “And I’m hungry too.”
Ang lapit ng mukha niya sa akin at nasanay na yata ako roon dahil natatagalan ko na ang mga titig niya ngayon kahit nakararamdam ng hindi maipaliwanag na emosyon sa dibdib. “Should we go to the cafeteria?”
Umayos siya sa pagkakaupo saka ako hinarap muli. “I’ll go. You stay here.”
Naikunot ko ang noo. “Why? Kakain din naman ako. It’s almost lunch.”
“I want to have lunch here with you,” saad niya at kumindat.
Hindi na ako umalma at pinalobo na lang ang pisngi, pinipigilan ang pagngiti. “Fine then. I’ll wait for you here.”
Tumayo siya at naglakad na paalis habang pinagmamasdan ko ang lapag ng kaniyang likuran. He was just walking nonchalantly yet the other students on his way were either intimidated or bewitched by him.
Hindi ko na mapigilan ang pagngiti at pag-arko ng kilay nang may mga babaeng lumingon pa sa akin at napairap saka muling tumingin kay Sairi. Siguro ay dahil napapansin nilang lagi kaming magkasama nitong mga nakaraang araw. I even heard a rumor that I went to a potion store and bought a love potion to seduce him. Naiiling at natatawa na lang ako sa mga narinig.
Hindi ba puwedeng maganda lang talaga ako at lovable? Inggit lang sila, eh.
Natigil ako sa pag-irap sa kawalan nang makitang dumaan si Shin.
“Shin!” tawag ko rito dahilan para mahinto ito at nangingiting lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. “Bakit ngayon lang kita nakita ulit?”
“Ask my very kind brother. Sa sobrang bait niya sa akin baka kunin na siya ni Iris,” naiinis niyang sagot.
Naikunot ko ang noo at nalilito siyang tinignan. “Eh?”
Nagbuntong-hininga siya saka binalong ang tingin sa harapan namin. Natigil na sa paglalaro ang mga estudyante at mukhang papunta na rin yata sa cafeteria. “Sa tuwing lalapit sana ako sa iyo, bigla-bigla na lang may apoy na sumusulpot sa harapan ko.” Natawa siya nang umawang ang bibig ko. “I can’t go near you. Baka matusta ako kapag sinubukan ko pa.”
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantastikFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...