“He is Luke Castiel,” sagot ni Prof. Bryce sa kanina pang tanong ni Mizu.
Nakabalik na kami sa hotel at nabalik na rin sa ayos ang mga nasirang kalsada, poste, at landscape sa tulong ng potion na ibinigay sa amin ni Luke. Sinunod namin ang sinabi niyang ibuhos iyon sa lupa at bumalik nga sa kaayusan ang lahat. Nagising na rin ang mga nijius na walang malay kanina at walang ideya kung bakit nakahiga sila sa rooftop at sa kalsada. Hindi na namin pa sinabi ang nangyari at nagpanggap na lang din na walang alam. We don’t want them to know about the nephilim dahil paniguradong uusbong lang ang takot, pangangamba, at galit nila. Iyon din ang in-instruct ni HM Jade kay Prof. Bryce nang tawagan niya ito. Aniya pa’y siya na raw ang bahalang gumawa ng kuwento sa nangyari.
Si Luke naman ay agad nang umalis matapos ibigay sa amin ang potion na iyon kasama ang wala pa ring malay na si Chryus.
“He’s one of the strongest and respected agarthan,” dagdag pa ni Prof. Bryce.
Strongest and respected agarthan... It means he isn’t just one of the strongest of his race—nephilim, kundi sa buong Agartha. He’s really that strong.
Team Moon rented a suit just beside us. Matapos ang nakapapagod na gabing iyon ay tinanghali na ako ng gising. Wala na si Hikari sa tabi ko nang magising ako at may note lang siyang iniwan.
“Prof. Bryce said we still have one day to stay here. Nasa mall kami ngayon ng Vaj. Sairi said ‘wag ka na lang daw namin isama at gisingin. Hindi rin siya sumama sa amin. Ikaw, ah! May pupuntahan ba kayo?”
Nakagat ko ang ibabang labi sa huling mga salitang nabasa. Wala naman kaming usapan ni Sairi. Saka mabuti na ring hindi nila ako ginising dahil aantukin lang ako at hindi mag-e-enjoy.
Nang lumabas ako’y bumungad agad sa akin si Sairi na nakatayo at nakasandal sa gilid ng ng pintuan. Para bang kanina pa siya roon naghihintay dahil sa pagkairita na nakikita ko sa kaniyang mukha nang harapin ako.
Ngumuso ako. “Bakit?”
Imbes na sagutin ako’y itinulak niya ako pabalik sa loob ng kuwarto at isinara ito.
“Hoy! Ano ba?” naiinis kong sabi at kinatok ang pintuan. Nasa labas siya.
“Tss. Take a shower,” masungit niyang sabi.
Umawang ang mga labi ko sa narinig. Tuloy ay napaamoy ako sa sarili ko at ngumuso na lang. Naligo naman ako kagabi kaya hindi ako nangangamoy. Ano ba’ng problema niya? May naaamoy ba siyang hindi ko naaamoy?
Nang matapos maligo ay pinaliguan ko ng perfume ang sarili bago lumabas. Naabutan ko namang nagbabasa ng newspaper si Sairi sa living room. Tumayo agad siya nang makitang lumabas na ako sa kuwarto’t hinila palabas.
“Teka nga! Huwag kang nanghihila!” reklamo ko nang sumakay na kami sa elevator. “Sa’n ba tayo pupunta? Puwede bang kumain muna? I haven’t eaten yet, you know.”
“Shiara,” maikling sagot niya.
Umawang ang bibig ko, naalala ang pinag-usapan namin kagabi noong hinahanap namin ang nephilim. He told me that once we’re done with our mission, we’ll visit my family. Ito na ba ‘yon?
“Hindi pa tayo nagpapaalam kay Prof. Bryce.”
“I already told him.”
Ngumuso ako, pinipigilan ang pagngiti. “Sa amin ba tayo pupunta?”
“Yeah.” Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa bumukas na elevator.
Agad kaming nag-teleport sa Shiara matapos naming kumain sa hotel. Sa lawa kami sumulpot kung saan inaakala niyang doon kami una nagkita. Wala pa kami sa tapat ng bahay nang matanaw ko si Keirra na nagdidilig ng halaman sa labas ng gate.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...