Pa'no na lang si krass kung si red-haired guy? Pa'no na lang siya kung naging tomboy ako? Mabo-broken hearted siya? Ayaw ko siya makitang luhaan!Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro. "Ano ka ba! Ano'ng pumuasok sa utak mo't naisip mo 'yon? Bangaw?"
Napakamot siya sa kaniyang ulo na animoy may kuto roon. "Ay, hindi ba? Eh, 'di ba magtatapat ka ng iyong pag-ibig sa 'kin?"
What? Malala na talaga siya.
"I'm not a lesbian, okay? At hindi ako magtatapat ng pag-ibig sa 'yo. Kung ano-ano naiisip mo, ah!"
Tinitigan niya ako nang mabuti. "Sure?"
Inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako. "Ano ba kasi 'yang gusto mong sabihin?" Naupo siya sa sofa at seryoso na ngayong nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim, pinapakalmang muli ang sarili, saka nagsalita, "Makinig kang mabuti sa 'kin, ah. 'Wag ka sanang magulat o matakot."
Kumunot ang kaniyang noo. "Horror ba 'yan? Alam mo namang matatakutin ako, 'di ba? Takot ako sa multo!" Kinuha niya ang throw pillow sa gilid niya at tinakip sa kaniyang mukha.
"Hindi 'to horror, okay? Kaya 'wag mong takpan 'yang mukha mo ng unan! Para kang bata!" masungit kong sagot. "Umayos ka nga ng upo," sita ko pa.
Sinunod naman niya ako. Huminga ulit ako nang malalim saka nagsalita ulit. "Naniniwala ka ba sa mga taong may mga kakayahan-I mean 'yong hindi normal na kakayahan, like nakaka-manipula ng apoy, nakaka-control ng isang bagay at kung ano-ano pa?"
"Hindi," agad niyang sagot. Umupo siya nang maayos at nakade-kwatro. "Walang mga nilalang na gano'n-multo o aswang siguro, meron. Pero 'yang mga ganiyan, sa anime lang naman 'yan nag-e-exist."
"Pa'no kung sabihin ko sa 'yong totoo sila, at isa ako sa kanila?"
"Ows? 'Di nga?" 'di naniniwalang aniya, pinipigilang matawa.
"Tootoo nga."
"O sige nga! Ano'ng kaya mong gawin?"
"I can make and manipulate bubbles," seryosong sagot ko.
Hindi na niya napigilang matawa at nabato niya pa ako ng unan. "Nagpapatawa ka ba?" Tumawa ulit siya. "Ako nga kaya ko gumawa ng bula, eh! Kukuha lang ako ng shampoo, lalagyan ng kaunting tubig, at i-stir ko, bubula na. Ilalagay ko lang ang kamay ko ro'n at ifo-form ko ng circle tapos hihipan ko, then viola! May bula na! Kaya 'wag mo akong pinagloloko! Hindi kakaibang kakayahan 'yon, Firoah!"
Dahil sa inis ko ay tinitigan ko siya nang masama at itinaas ang kamay ko.
Nagbibiro pala, ah.
Gumawa ako ng malaking bula at pinalaki nang pinalaki 'yon saka minanipula. Agad na lumapit ang bula sa kaniya at nakulong siya rito bago pa man siya makapag-react. Nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa bulang kumukulong sa kaniya. Itinaas ko pa ang aking kamay at agad na lumipad ang bula sa ceiling kasama si Keira. Bakas na sa kaniyang mukha ang pagkataranta at takot. Sinubukan niyang hawakan 'yon sa pag-aakalang puputok iyon pero hindi nangyari.
"A-anong-Ikaw ba m-may gawa n-nito? Waaah! Put me down! Ilabas mo ako rito! Maawa ka! Sayang ang ganda ko kung mamamatay ako!"
Namumutla na siya habang nakatingin sa 'kin at naiiyak na. Humagalpak ako sa tawa sa reaksyon niya at naubo pa.
"Sige tawa ka pa," walang emosyong saad niya dahil sa inis.
"Okay, sabi mo, eh." Tumawa ulit ako at hawak na ang tiyan ko habang dinuduro siya. Nang naubusan ng hangin ay saka pa lamang ako tumigil.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...