[FIROAH]
Sabado at kakarating ko lang dito sa Saiyanne–sa mismong harap ng gate ng Niji Academy. Sa lahat ng makabagong teknolohiya ng mundong 'to, transporation lang yata ang masasabi kong hindi umunlad. Hindi kasi kotse, barko, o eroplano ang gamit nilang sasakyang pangtransportasyon kundi mga hayop katulad na lang ng pegasus, dragon, kabayo, at unicorn. Ani lola'y nagiging sanhi ang mga makabagong sasakyan ng air pollution dahil sa usok na ibinubuga nito kaya ipinagbabawal ang lumikha at gumamit niyon.
Pegasus ang sinakyan ko papunta rito at tanaw na tanaw ko mula sa himapapawid ang kagandahan nitong Niji sa labingtatlong oras kong nasa himpapawid. Napakakulay ng mundong 'to at napakaganda ring tingnan ng kakaiba at makulay na mga ulap sa langit.
Hinaharangan ng malaking invisible barrier ang bansang Saiyanne kaya hindi ito basta-bastang napapasok. Mayroong terminal na nagsisilbing entrance kung sa'n doon ininspeksyon ang mga gustong pumasok sa bansang ito. Kahit may teleportation ability ka, hindi mo pa rin 'yon magagamit upang makapasok sa bansang ito sapagkat may nilagay silang spell sa barrier na ito. Mula sa entrance ng Saiyanne, naglakad pa ako ng isang oras upang marating ang Niji Academy. 30 minutes lang sana iyon kung sumakay ako ng kabayo pero mas gusto kong maglakad.
Mag-isa akong naglakbay rito at hindi na hinatid pa nina lolo at lola. Anila'y kaya ko na raw maglakbay mag-isa at panunuorin na lang daw nila sa TV ang laban ko.
Kalahati lang ng bansang 'to ang hindi sakop ng Academy. Ganoon ito kalaki at kalawak. Gate pa lang nito'y ang taas na at ang tayog na 'di ko makita ang dulo. Hindi mo makikita sa labas kung ano ang nasa loob nito kahit ang school buildings dahilan para mumukha itong misteryoso sa labas.
Ginto ang kulay ng gate at may mga dimaonds pang nakapalibot dahilan para kuminang ito. Sa gitna nito'y may nakaukit na "Niji Academy".
Magkano kaya kapag ibebenta 'yang golden gate diamonds? Totoo kaya 'yan? O fake?
Marami-rami na rin kaming nakaabang sa pagbubukas ng gate at karamihan sa mga narito'y mga kaedad ko lang. Ilang minuto pa ng paghihintay ay bumukas na nga ito nang tuluyan at agad kaming nagsipasukan. Sa dami namin ay hindi naman kami nagsiksikan dahil sa lawak ng gate.
Namamanghang nilingon ko ang paligid nang makapasok na. Maraming mga nagsisiliparang paruparu sa paligid at iba-iba pa ang kulay ng mga ito. May mga tutubi rin akong nakikita na kakaiba rin ang kulay at may mga fairies din na lumapit pa sa akin at pinalibutan ako. Green na green ang natatapakan kong bermuda grass. Nang nilibot ko ulit ang paligid ay napako ang tingin ko sa mga puno na may umiilaw pa at nagkikislapang mga vines. Ang ganda niyon tingnan—nakakamangha at nakakahipnotismo.
Ilang minuto pa ang nilakad namin at umawang na naman ang mga labi ko nang nasa harap na kami ng napakalaking school building na malapalasyo ang tindig at disenyo. Ang laki niyon ang taas. Peach ang kulay niyon at may mga diamonds pang mga nakaukit. Parang hindi yata ito paaralan.
Kung maganda na ito sa labas, 'di hamak na mas maganda ito nang makapasok na ako. May mga crystal chandeliers sa itaas, at ang sahig ay babasagin na makikita nang klaro ang aking repleksyon. Hindi na yata kailangang bumili ng mga estudyante ritoestudyante rito ng salamin.
"School pa ba 'to?" wala sa sariling bulalas ko.
Hindi naman kasi 'to mukhang school.
"ATTENTION NEW COMERS!"
Napapitlag ako at napahawak sa puso nang marinig ang malakas na boses na 'yon galing sa kung sa'n. Nilibot ko ang paligid pero wala naman akong nakitang speakers. Sa'n kaya galing 'yon?
"Good morning!" patuloy pa nito. Naging alerto kami sa ano pang sasabihin nito. "This is Head Mistress Jade, welcoming all of you in our Academy! Alam kong naiinip na kayo, so I'll just make this speech short."
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...