Biyernes at nakaupo lang ako sa kuwarto. Bored na bored ako at walang magawa. Wala naman kasi akong alam na galaan dito sa Academy at hindi ko rin alam kung mayroon ba niyon dito.
Tumayo ako mula sa kama saka naglakad palapit sa vanity at kinausap ang sarili.
“OMG! May kakambal ako? Ba’t nilihim ito sa akin nila lola?” akting ko pa saka galit-galitang nakipagtitigan sa sarili sa salamin. “Ba’t ginagaya mo ako?” Dinuduro ko ito at dinuro rin ako nito.
“Huwag mo nga akong gayahin! Nakakainis ka! Ba’t nilihim ni lola't lolo na may kakambal ako? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako? Then why? Bakit nila ako nagawang lokohin?” sigaw ko pa at pilit na pinapatulo ang luha.
Lumayo ako rito at sumandal sa pader saka ginaya ang nakita kong commercial sa TV na Iskinol. Itinaas ko ang kanang kamay ko at dinikit sa pader. Ang kaliwang kamay ko naman ay nasa baba lang at nakadikit din sa pader. “Bakit gano’n? Nagpapakabait naman ako, pero nilihim pa rin sa akin na may kakambal akoooo!”
Naiiyak na dahan-dahan akong napaupo. Nasa gano’n akong kalagayan nang makarinig ng tawa dahilan para mapatayo ako’t agad na inayos ang sarili.I mentally slapped my face saka humarap sa kaniya.
“Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” tanong niya pa’t natawa ulit. “Mukha kang baliw!” Tumawa siyang muli.
Nahihiyang ngumiti ako at napakamot sa ulo. “Nagpa-practice lang ako umakting. Malay mo, may maka-discover sa ‘kin at ako na ang susunod kay Nora Aunor sa pagiging Super Star di ba?”
Kumunot ang noo niya, nagtatanong. “Sino si Nora Aunor?”
“Hindi mo siya kilala?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Siya ang nagpasikat sa linyang ‘Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao!’ Gano’n!” Ginaya ko pa ang boses ni Nora Aunor para lang mai-demo iyon sa kaniya pero mas naguluhan pa yata siya.
“Hindi ko talaga kilala.”
Nasapo ko ang noo ko nang may mapagtanto. Pa’no niya makikilala 'yon kung hindi naman siya nanggaling sa mundo ng mga tao? Tanga ako sa part na ‘yon, ah.
Tumawa ako nang malakas kahit para na akong ewan sa paningin ni Angie. “Huwag mo na lang akong pansinin. Ganito lang talaga ako.”
“You're weird,” kumento niya’t nangingiti na lang. “But you’re cute though.”
“By the way, bakit ka nandito? And how did you get here? Ni-lock ko kaya ang dorm and kwarto ko—” Tumigil ako sa pagsasalita at napabuntong-hininga na lang. “Nag-teleport ka.”
Ngumiti siya’t tumango. “Gusto ka kasi naming isama sa mall kaya narito ako ngayon.”
Nanlaki ang mga matang napatayo ako sa galak. “May mall dito?”
“Yeah. Just inside this Academy.”
“Woah! Talaga? Sino kasama?”
Sana kasama si krass.
“Sina Hikari at Michi.”
“Ba’t ‘di kasama si—” Natakpan ko ang bibig ko bago pa ako may masabing hindi dapat sabihin.
Why would I ask that? Hays.
“Ha? Sino?” naguguluhang tanong niya.
“Wala,” tanggi ko at ngumiti.
Nahinto ako nang umusbong ang kakaiba at mapanganib na pakiramdam sa dibdib ko. Bigla ay may nag-flash sa utak ko na kasulukuyang nangyayari sa isa sa mga bayan ng Niji. Dark magic users were attacking them.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...