CHAPTER 46

2.6K 83 21
                                    

[THIRD PERSON]

“Let’s end this!”

Ang pamilyar at malamig na boses na iyon ng babae ay rinig ng buong syudad ng Samara. Natigil sa pakikipaglaban ang lahat nang maramdaman ang napakalakas at mapanganib na aura na bumabalot sa buong syudad. Hindi mapigilang mapangiti ni Draco na naroon din at lihim lang na nagmamasid sa mga nangyayari.

“At last you show yourself again,” bulong pa nito.

Firoah went to Zenerland where Shin and his team were fighting against the dark magic users and other elemental creatures. Since her clone was there at Zyntine, no one had noticed that she disappeared there.

“Narito na siya,” seryoso at halos pabulong na saad ni Shin habang nakatitig kay Firoah.

She stood there eyes were cold, as they gazed at her.

“As expected,” ani Eujin.

“Still, we shouldn’t just stand here and watch her!” saad ni Josh saka humarap sa dark magic user na pasugod sa kaniya at inunahan itong paslangin.

They were sweating too and had bruises. Halata sa kanilang mukha ang pagod. Halos tatlong oras na silang nakikipaglaban ngunit tila hindi nauubos ang mga kalaban—sa halip ay dumarami pa sila.

Nakatayo si Firoah sa putol na kahoy habang nakatitig sa mga dark magic users na papunta sa kaniya ngunit hindi pa lang ito nakalalapit ay tumilapon na ang mga ito. Matapos ang ilang sandali ay bumaba siya sa puno at nagpakawala ng malaking apoy  sa mga sumunod na lumapit sa kaniya. Agad na naging abo ang mga ito.

Tumalon siya at lumipat ng puwesto sa nag-iisang puno na nakatayo. Pumatong siya sa sanga nito at napansin ang papalapit na mga higante sa kaniya.

She summoned her elemental sword. It was surrounded with fire and lightning as she raised it. Tumalon siya mula sa sanga patungo sa balikat ng higante. Nang sasaksakin na niya ito’y nadakip siya nito at linapit sa bunganga nito. Napapikit siya sa amoy ng bunganga nito, pigil hiningang itinaas ang hawak na espada. Humaba ito at nang magmulat siya’y pinutol niya ang kamay na nakahawak sa kaniya bago pa siya mapunta sa bunganga nito.

She smirked when the giant groaned then she jumped to its shoulders again and piereced its heart. Sa muli niyang pagtalon bago pa ito matumba ay nasalo siya ng isa pang higante at nakulong sa mga kamay nito.

Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa mukha nito. Nakangiti ito sa kaniya at kinuyom ang mga kamay upang mapiga siya ngunit nagliyab ang kaniyang katawan dahilan para mabitawan siya nito. Kumalat ang apoy sa katawan nito at nakatayo siyang nag-landing sa lupa, walang emosyong tumingala sa higante na sumisigaw na habang kumakalat ang apoy sa katawan nito.

“Burn,” wika niya sa malamig na boses nang maging abo ito hindi pa man natumba sa lupa.

She summoned her bow that was made of ice and instead of arrow, she made her sword its replacement. Tinutok niya ito sa isang uwak na papalapit sa kaniya saka pinakawalan ang espada. Tumusok ito sa uwak at tumagos pa patungo sa iba pang mga uwak na nasa himpapawid, nagpaliko-liko, hanggang sa naubos ang mga ito. Saka lang bumalik ang espada sa kaniya na agad niyang nasalo at nawala sa kaniyang mga kamay.

Nilibot niya ang tingin sa paligid. Wala ng mga uwak at ang natitira na lang ay mga higante at dark magic users. Malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan upang pakalmahin ang sarili saka nakipaglabang muli. Nagpalabas siya ng mga vines sa kaniyang mga kamay at iginapos sa mga dark magic users gamit ito. Nagpumiglas pa ang mga ito at sinubukang putulin ang mga vines ngunit hindi nito magawa. Pahigpit nang pahigpit na dumidikit ito sa kanilang katawan at napapasigaw na sila sa sakit. Firoah summoned her water sword. Malakas ang puwersang tinusok niya ito sa lupa dahilan para bumuka ito at lumikha ng butas na napupuno ng tubig na nanggaling sa espada. Tila isa itong malaking whirlpool dahil sa paikot-ikot na tubig. Humangin din nang pagkalakas sa kaniyang paligid. Liningon niyang muli ang mga nakagapos na dark magic users at itinaas ang kamay saka sila pinaikot-ikot bago itapon sa butas na iyon. Dinig ang mga daing at sigaw ng mga ito bago ito tuluyang nalunod. Pagkatapos niyon ay nagpakawala siya ng buhangin at upang tabunan ang butas.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon