CHAPTER 24

4.7K 176 39
                                    

“We’re here!” nakangiting ani Hikari nang makalapag na kami sa lupa.

“Finally,” seryosong saad ni Raiton.

It was already 2PM when we landed and we haven’t eaten yet. May potion lang na pinainom si Prof. Bryce sa amin no’n upang hindi makaramdam ng gutom. Pero ngayon, nararamdaman ko na iyon. Nawala na ang epekto nito.

Tahamik lang akong tinitiis iyon habang tinatawagan ni Sairi si Prof. Bryce at ipinaalam na nasa Fahrinne na kami, nasasakupan ng Vaj City. Nang matapos iyon ay hinarap niya kami.

“We need to find a place to stay first,” aniya.

“I saw an hotel a while ago when we’re still up there,” ani Raiton. Itinuro niya ang daan na may mga nahahilerang bulaklak sa gilid. Sa kanan namin iyon. “Naroon iyon, eh.”

“Let’s go there then,” ani Hikari at nanguna na roon.

Binagtas namin ang daang iyon habang pinapakiramdaman ko ang paligid. Sa ganitong oras, siguro’y nasa mga tahanan nila ang mga nijius dahil wala akong nakikitang nijius sa daan maliban sa amin. Siguro’y dahil na rin sa init.

“Ito na ‘yon,” ani Raiton nang mahinto kami sa malaking gusali na may apat na palapag. Kulay puti iyon at may klasikong desinyo. Napalilibutan din iyon ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak.

Dalawang guard ang nakabantay sa doble door entrance at nakangiti ang mga ito sa amin.

“Welcome!” masiglang sabi pa nito.

Ngumiti ako rito bilang ganti. Agad kaming nagtungo sa receptionist area nang makapasok. Maaliwas ang hotel na iyon at minamalist ang nakikita kong desinyo.

“Make it one with two bedrooms,” ani Sairi sa receptionist, ang tinutukoy ay ang suit tutuluyan namin.

Nakakunot lang ang aking noo at pinapakiramdaman pa rin ang paligid. Wala namang kakaiba roon.

Nang matapos makipag-usap ni Sairi sa receptionist, dumeretso na kami sa suit na tutuluyan namin na nasa third floor pa. Malawak iyon: may sala, kitchen, at two bedrooms. The other bedroom was for boys and the other one was for girls. Doon kami dumeretso ni Hikari at inilagay sa closet ang mga dala naming damit.

“Sa tingin mo, ilang araw tayo rito?” tanong ni Hikari nang matapos kami.

Nakaupo kami sa malinis, maputi, at queen-size na kama habang tinatanaw ang tanawin sa labas mula sa durungawan.

Malawak na hardin ng mga bulaklak ang naroon at kay ganda nitong tingnan mula rito sa itaas. May word kasing nabuo roon: Fahrinne.

Nagbuntong-hininga ako. “I don’t know really. Siguro three days? Then kapag hindi natin nahanap, lilipat na tayo sa Aruana.”

Nilingon niya ako dahilan para ibaling ko sa kaniya ang tingin. “Kanina pa ako nagugutom. Can we eat na ba? Tapos naman na siguro sila Sairi.”

Tumango ako’t ngumiti. “Tara. Nagugutom na rin ako, eh.”

Nang lumabas sa kuwarto, sakto rin ang paglabas nila Sairi sa kuwarto nila. Raiton and Blaze smiled at us while Sairi, as usual, was just wearing his serious face.

Napagkasunduan nga naming bumaba muna sa first floor upang kumain muna bago pag-usapan ang aming misyon. Matapos iyon, bumalik kami sa kuwarto at naupo sa living room.

“Nephilims are ten feet tall. Iyon ang basehan natin upang ma-identify ang nephilim na ‘yon. But according to my research, nagagawa nilang maging kaparehas lang din ang tangkad sa atin,” seryosong ani Blaze. “Kung nagagawa ng nephilim na ‘yon na magtago rito nang hindi siya napapansin ng mga nijius, siguro dahil iyon sa nagdi-disguise siyang katulad lang din natin.”

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon