CHAPTER 15

8.6K 363 105
                                    

Katatapos lang ng orientation sa aming mga bagong mag-aaral ng Niji sa social hall kung saan ginaganap ang events sa loob ng Academy. It’s as big as the Arena pero hindi nakahagdan-hagdan ang mga upuan—iyong pababa hanggang pataas. Nasa center lang lahat ng mga bleachers at walang pahagdan-hagdan sa gilid.

Doon ako hinatid nila Angie matapos naming kumain sa Cafeteria. Ani nila’y roon dederetso ang lahat pagkatapos ng tour para sa orientation. Iyon nga ang nangyari.

It was sunday today, yet may pasok. Nang tanungin ko si Angie tungkol doon, sabi niya’y ganoon talaga rito. Friday at Saturday ang wala silang pasok. Sunday to Thrusday naman iyong meron.

Huminga ako nang malalim nang nasa harap na ng classroom. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Tuloy ay natagalan ako sa harap nito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nailang nang lahat ng atensyon sa loob ay nabaling sa akin nang tuluyan ko na itong mabuksan. Mas lalo akong kinabahan dahil sa sobrang tahimik nila kaya nasa pintuan pa rin ako at pilit pinapahupa ang kaba.

Ganito ba talaga ‘pag bago ka sa isang eskuwelahan?

“Miss?”

Nabaling ang tingin ko sa may ari ng baritoning boses na iyon at natulala. He was standing in front of the class while holding a book on his right hand.

Small but pointed nose, chinito dark eyes wearing a clear eyeglasses, pinkish lips and tan skin, ang guwapo!

Base sa kaniyang suot, isa siyang Prof. Nasa harapan din siya.
I composed myself and spoke. “Ahm... Good morning, sir.”

Kunot-noo siyang nakatitig sa akin dahilan ng pagliit pa ng kaniyang mga mata. “You’re a new student,” he stated in a matter of fact.

“Yes po,” I responded.

“Okayy,” aniya’t ngumiti dahilan ng pagsilay ng dimples niya. “Introduce yourself, miss. By the way, I'm Professor Dean.”

I nodded and walked in front. I smiled when I faced my classmates and bowed. “Hi! I'm Firoah!” masigla kong bati. Hindi ko na sinabi pa ang buo kong pangalan dahil hindi rin naman nila matatandaan ‘yon sa sobrang haba.

May iba sa kanilang ngumiti sa akin at bumati. May iba na walang reaksyon at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa.

“You can sit now, Ms. Firoah,” ani Prof. Dean.

I smiled and mouthed, “Thank you po,” before I sat down on the vacant chair in front.

Ako lang ang nakaupo roon. Lahat yata sila’y may phobia sa harap kaya walang may gustong umupo rito.

Prof. Dean resumed his discussion. Pero ang mga tainga ko naman ay ayaw makinig at ang utak ko’y ayaw i-absorb ang mga sinasabi niya. Nagbalik-tanaw ito sa nangyari kanina sa cafeteria.

Sairi handed me my food before he sat on his seat beside me. Hindi siya kumibo at tumango lang nang magpasalamat ako. He was silently eating while the others were chitchatting. Tinanong ko si Angie kung bakit nasa cafeteria sila. Aniya’y madali silang natapos sa pinapagawa sa kanila at ganoon din ang iba.

Wala naman masyadong nangyari kahapon. Nagkuwentuhan lang sila ng ibat-ibang bagay na sa kasamaang palad, hindi ako maka-relate. Nao-op tuloy ako. Kuwento lang sila nang kuwento at ako naman ay kain lang nang kain.

Kapag hindi ka maka-relate, kain ka na lang!

Si Sai naman sa tabi ko’y kumakain lang din. Walang pake sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya kahit tinatanong siya. He didn’t want to speak I guess, or maybe, food is life din siya.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon