CHAPTER 12

8.4K 360 48
                                    

[HEAD MISTRESS JADE]

Puno ng mga naglalakihang monitors kung nasaan ako ngayon kasama ang mga professors ng Academy. Lahat kami ay nakaobserba sa mga kalahok ng battle exam.

“HM Jade, nagsimula na silang maghanap,” ani Prof. Bryce.

Tumango lang ako sa kaniya nang ang tingin ay nasa mga monitors pa rin. Nagsisimula nang mabawasan ang mga kalahok dahil ibang mga rooms ang napapasukan. Ang iba naman ay hindi nakatiis gumamit ng kanilang kapangyarihan. Mga pasaway talaga.

Kumunot ang aking noo nang mapansin ang babaeng may dalang sandatang nakasukbit sa kaniyang likuran. Ang buhok niya’y dagger ang ginawang pantali. Kalmado lang siya ‘di tulad ng ibang mga kalahok. Wala namang kakaiba sa kinikilos niya at wala pa siyang ginagawa, pero iyong tindig niya ay pamilyar at nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang nanggagaling sa kaniya.

Tinuro ko ang monitor kung sa’n kita siya. “Ang batang ‘to, nararamdaman kong may maibubuga ‘to.”

Napatingin ang mga profesors sa monitor na itinuro ko at natuon doon ang pansin.

“I can feel her strong aura,” ani Prof. Cyn.

“It's very strong,” pagsang-ayon ko na nakatutok pa rin sa babae.

Nasaksihan namin ang pakikipaglaban niya sa mga nilalang na nilikha ko gamit ang ilusyon at napangiti na lang ako sa husay niyang gumamit ng espada at sa kaniyang husay sa pakikipaglaban. Sa tingin ko’y kahit sa ikatlong level ng battle exam, mananalo siya nang hindi ginagamit ang ability niya kung ano man ‘yon dahil mahusay talaga siya kahit wala iyon.

“Naniniwala na ako sa 'yo,” bulalas din ni Prof. Bryce na nakatingin pa rin sa monitor.

“Hindi ba natin siya papalabasin sa Academy?”

Napatingin ako kay Prof. Shaun sa kaniyang tanong. “Ba’t naman natin siya papalabasin?” tanong ko.

“Nilabanan niya ang mga nilikha mong mga nilalang,” sagot niya.

Natawa ako. “Ang sinabi kong bawal ay ang paggamit nila ng special abilities nila pero hindi ang pakikipaglaban nila sa mga ilusyon na ‘yon. Puwede nila itong labanan sa kahit na anong paraan nang hindi ginagamit iyon.”

Tumango siya at bumaling na muli sa monitor at halos trenta minutos na rin nang nasa kaniya pa rin ang tingin ko. Ang iba naman ay nasa ibang monitors nakatuon.

“Malapit na siya sa lugar kung nasa’n ang LEs,” ani Prof. Drein.

Sa babaeng ‘yon na naman natuon ang pansin nila. Malapit na nga siya sa kinaroroonan ng LEs na kinaroroonan din ng room for the interview. Nang matapat na siya sa pintuang iyon, kita sa mukha niya ang pagdadalawang isip kung bubuksan ba ang pinto o hindi.

“Buksan mo na,” rinig kong wika ni Prof. Ayen.

“Ang tagal,” nainip na bulalas ni Prof. Bryce.

Nagdadalawang isip pa rin siya pero sa huli, pinihit niya ang doorknob at parang nagbibilang pa siya bago ito tuluyang pumasok.

Napangiti ako.

May isa nang nakapasok,” may galak na wika ni Prof. Shaun.

“Hanggang diyan na lang ang makikita natin. Wala ng camera sa room na 'yan,” sabi ko at nag-focus na sa iba pang mga kalahok.

[FIROAH]

Napangiti ako nang malawak at humupa ang aking kaba nang malaman ko na hindi ako nagkakamali sa room na kinatatayuan ko ngayon. Nakawala na ako sa ilusyon. Isang maaliwalas na silid ang napasukan ko at kulay asul ang pintura. Sa harap ko ay may pitong pinto na may nakalagay na mga numero mula 1 hanggang 7.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon