Nakaawang ang bibig at kumikislap ang mga matang linibot ko ang tingin sa paligid at napako iyon sa bahay na nasa aking harapan. Puti ang pintura nito na halatang luma na. Ang dating kulay puti rin nitong gate ay kinakalawang na. Ganoon pa man ay gumuhit ang ngiti sa aking mga mata at labi at ang puso ko nama’y kumakabog sa sobrang saya.
Sariwa ang hanging aking nalalanghap na dumadampi sa aking balat. Malamig din iyon dahil alas singko pa lang ng umaga at hindi pa gaanong umaangat ang araw. Hinaplos ko ang balikat upang mapawi kahit papaano ang lamig saka muling ngumiti.
Finally! After 7 years, nakatapak akong muli sa mundong kinalakihan ko.
Mabilis ang aking paglakad at agad na binuksan ang gate ng bahay namin. Ang mga malalagong tanim na mga bulaklak at iba pang mga halaman ay naroroon pa rin dahil na rin sa caretaker na nag-aalaga rito.
How I missed this house and this world. Hindi ko akalaing muli akong makatatapak dito.
“Pasok kayo.” Nakangiting binaling ko ang tingin sa LEs na nakasunod lang sa akin. Ang mga mata nila’y wala sa akin, tila namamanghang linibot ang tingin sa paligid.
“So this is where you lived?”
Napapitlag ako nang magsalita si Sairi sa tabi ko. I turned my gaze to him pero agad ding napaatras nang malamang sobrang lapit na lang pala niya sa akin. Ang mga mata niya ay deretsong nakatingin sa akin. Kulay itim ito ngayon dahil nagsuot siya ng contact lens at naka-eyeglasses pa. He looked like a hunk genius with those eyeglasses. He’s just too handsome and attractive.
“Y-Yeah,” nauutal kong sagot at nag-iwas ng tingin.
Shin once told me that they went in the mortal world to have a vacation with his family. I just didn’t know how many times. But they were never here in Philippines.
Pumasok ako sa bahay at sumunod na rin sila. Angie and Mizu eventually sat on the sofa and they just cuddled there like we did not exist—only the two of them. Sina Michi at Kaze naman ay tila nag-iinspeksyon sa kung ano’ng nasa bahay, samantalang sina Raiton at Hikari ay magkayakap sa unahan namin.
Napapangiti akong pinagmamasdan sila. Para bang kumportable na agad sila rito. Kanina nang dumating kami sa mundong ’to, nakatatawa ang mukha nilang halatang may maraming mga bagay na unang beses pa lang nakita—tulad na lang ng kotse. Pero hindi na sila sobrang nagulat dahil may mga baon akong CD tape nang lumipat kami noon sa Niji at pinapanood namin ng LEs ’yon dati. Halos K-Drama nga lang ’yong nadala ko.
“You grew up here.” Liningon ko si Sairi at nakangiting tumango sa kaniya. Hindi ko inaasahang yayakapin niya ako nang mahigpit at hagkan nang mabilisan sa labi. “But you’ll grow old with me in Niji.”
Namamaos ang boses na sinabi niya ’yon. Ang kaniyang mga mata na bagama’t natatabunan ng salamin, malinaw na malinaw pa rin ang kaseryosohan at walang bahid na pag-aalinlangan.
“We don’t grow old, Sai, remember?” I said, a matter of fact.
Ngumisi siya. “Our age will continue though, even if we stopped aging. Still, I want be with you forever.”
Ngumuso ako, pinipigilan ang pagngiti. Mabilis na rin ang tibok ng aking puso na tila may nagkakarera sa loob nito. Gustuhin ko man siyang halikan din ay umalingawngaw na ang matinis na boses ni Keira sa aming harapan.
“Nandito na pala kayo! Hindi n’yo man lang sinabi.”
Napabitaw ako sa yakap niya saka lumapit kina lolo at lola na naroon na rin pala’t pinapanood kami ni Sairi. Nakangiti sila sa amin at tila ba natutuwang pinagmamasdan kami. Isa-isa ko silang yinakap at hinagkan sa pisngi. Nauna silang umuwi rito noong nakaraang buwan pa. Anila’y aayusin daw nila ang bahay.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...