CHAPTER 51

2.5K 87 29
                                    

Sairi had explained everything to me and to LEs already. He and Shin needed to go back to their palace ’cause they were needed to be trained there. Every year, ginagawa nila iyon and supposed to be, ginaganap iyon tuwing wala ng pasok ang academy, ngunit napaaga ngayon dahil nalaman ng hari at reyna na lubusan na rin ang paghahanda ng mga taga-Hei. Maaaring susugod muli sila rito sa Niji at mas malala pa ang pinsalang matatamo ng mga bayan o syudad na kanilang guguluhin.

Kaya pala ganoon na rin ang ginagawa naming training nitong mga nakaraaang linggo—kaya rin nandito ang reyna at hari ngayon. They were having a meeting on how they will protect their people. Until now, they still did not know some of the portals that the dark magic users used that’s why they’re just strengthening the barrier; Sairi had told that to us.

Tuloy kahit pasko na bukas at dapat kaming magsaya, hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga bagay na ’yon kahit nagkasisiyahan ang LEs ngayon sa harapan ko kasama sina Shin habang nakaupo lang ako sa bench. It was snowing so we had to wear thick jackets. Ang LEs naman ay nagbabatohan na ng snowballs. Naaawa na nga ako Kay Kaze at Eujin dahil sila ang madalas na tinatamaan.

They were back to being a child again: free, tila walang iniisip kun’di ang maglaro lang at magtawanan.

“Ayaw mong sumali?” nakangiting tanong ni Hikari hawak-hawak ang snowballs sa kamay. Umiling ako at umupo naman siya sa tabi ko. Humugot siya ng malalim na paghinga habang pinapanood sila Raiton. “You and Sairi didn’t make it clear to us.”

Kumunot ang aking noo. “Ang alin?”

Nakataas ang isang kilay na bumaling siya sa akin. “Iyong relasyon ninyo. You never answered us when we asked you. Kayo na ba talaga or nanliligaw pa lang siya?”

Bahagyang umawang ang bibig ko at ngumiti rin kalaunan. Hindi pa nga pala namin nasabi ni Sairi iyon pero alam kung alam na iyon nila Raiton, Kaze, at Mizu. Sila pa nga ang nagsabi noon kay Sairi ’yong tungkol sa monthsary. Sila Hikari naman, alam kong may hula na sila pero hindi lang nila makumpirma.

Tumango ako sa kaniya at nag-iwas ng tingin. “We are in a relationship for two months now.”

Napapikit ako nang marinig ang pagsigaw ni Angie na nakaupo na rin sa tabi ko. “Two months na pero hindi mo man lang sinabi sa amin?”

Nag-init ang pisngi ko nang napalingon si Sairi sa gawi namin. He’s at the field too—playing snowballs with Raiton and Mizu. His eyes looked curious as he looked at me. He looked like he wanted to know what we were talking.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka bumaling kay Angie. “I thought I didn’t need to tell it ’cause you already know about it.”

“Alam naman na talaga namin na kayo na noon pa base sa mga kilos ninyo,” nakangiting saad ni Michi na lumapit na rin sa amin, tumabi kay Hikari at nakaharap sa akin, “pero need pa rin namin ng confirmation from you, you know.”

“She doesn’t need to do that.”

Umayos ako sa pagkakaupo nang marinig ang boses na iyon ni Sairi. Sabi ko na nga ba’t lalapit siya. Nang nasa harapan ko na siya ay tinitigan niya lang sina Angie at agad na tumayo ang mga ito. Sumimangot pa si Angie at sinamaan ng tingin si Sairi. “Parang hindi kaibigan, ah.”

Sairi just smirked at her then he sat beside me, and put his arm around my shoulders. “Stop bothering her. You already know what you want to know.”

Michi rolled her eyes. “Whatever. Stay strong na lang sa inyo.”

Natawa ako. Marunong na silang magtaray ngayon kay Sairi. Samantalang dati lang, takot pa sila rito. Maybe they’re becoming more comfortable with him around now.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon