[SAIRI]
"Thinking of that girl again?"
Napaayos ako sa pagtayo nang marinig ko ang boses ni Raiton sa gilid ko. ‘Di ko man lang napansin na nasa gilid ko na pala siya. Masyado yata akong nag-space out habang ang mga mata’y nakatitig sa mga bulaklak sa harapan namin.
"Who?" maang kong tanong.
"That girl with a rainbow hair, am I right?" sagot niya nang may nang-aasar na ngiti.
"I'm not," I coldly said at binalik ang tingin sa mga bulaklak.
"You can’t deny it to me. You know I can read minds," prenteng sabi niya na nagpainis sa 'kin.
Aside from his elemental ability which is lightning, Raiton is also telepath. Wala talaga akong takas sa kaniya. Tss.
"Alam mo naman pala. Ba't tinatanong mo pa?”
Raiton didn’t respond. Instead, he just gave me a mischievous smile then talked to Mizu.
Why are they here in the Academy’s garden anyway? Kanina lang ay ang payapa ko rito habang nag-iisip at bigla na lang silang nagsidatingan.
"Oy, mga anak ng kalawakan, tara na sa dining hall. Gutom na ako, eh," bigla ay sigaw ni Kaze dahilan para mabaling sa kaniya ang tingin ko.
Itong isang ‘to, pagkain lagi ang nasa isip. Psh.
"Oo nga naman, children of the universe. Kain na tayo. Gutom na ‘yong mga guwapo kong bulate sa tiyan, eh," sang-ayon pa ni Mizu sabay hawak sa kaniyang tiyan.
Isa pa ang lalaking ‘to. ‘Yan na naman siya sa kagwapuhan 'daw' niya. Ni hindi nga siya nakalagpas sa kalingkingan ko. Mayabang ba? Wala tayong magagawa, guwapo talaga ako, eh. I'm just saying the truth.
"Buti pa ‘yang mga bulate mo sa tiyan ang gaguwapo. Ikaw?" pambabara ni Angie sa kaniya.
‘Yon nga’t nagsimula na silang magbangayan.
"Aba, malamang guwapo ako! Bulate ko nga guwapo, ako pa kaya!"
Kaze started laughing. He seemed enjoying watching the two quarelling.
"Kaze, pinalakas mo ba ‘yong hangin, o may isa riyan na mahangin?"
Nang ‘di na ako makatiis sa kaingayan nila ay inawat ko na. "Kakain ba kayo o magbabangayan na lang kayo rito?" walang emosyon kong tanong.
Hindi naman sila nakakibo. They’re alsways like that kapag ako na ang nagsasalita.
"Basta ako, kakain ako," ani Hikari at nagsimula nang maglakad.
Nakangising nag-peace sign sa 'kin sina Mizu at Angieneji bago nagsimula na ring maglakad. Raiton, Michi, and Kaze followed them. I shrugged my head as I walked thinking of that girl.
I hope I can see her again without wearing her mask. Where is she living anyway? What’s her name? She’s too mysterious and I couldn’t help to be curious.
"Sairi, wala ka bang plano umupo?"
Nabaling ang tingin ko kay Michi nang magsalita siya.
Nawala na naman ako sa sarili. Hindi ko man lang namalayang nasa dining hall na pala kami. Malala na 'to.
[FIROAH]
Pumunta kami sa lugar kung saan walang tao at doon ko pinaulan nang malakas upang gumuhit ang rainbow sa ulap. Kaya ko naman gumawa ng rainbow kahit ‘di ko paulanin, kaya lang, baka magtaka ang mga tao kung bakit nagka-rainbow, eh ‘di naman umuulan. Dagdag pa ‘yon sa trabaho ni kuya Kim Atienza kung nagkataon.
"Tsk. Tsk."
Napatingin ako kay Keira nang marinig ‘yon sa kaniya. Naiiling siyang nakatingin sa akin at ang noo’y nakakunot. Para bang gumawa ako ng krimen. Tinaasan ko siya ng kilay.
Dinuro naman niya ako. "Kaya pala umuulan kahit sabi sa report ni Kuya Kim na maganda ang panahon at hindi uulan, dahil pala ‘yon sa ‘yo! Lagot ka kay kuya Kim! Dahil sa ‘yo, namamali ang report niya!"
Natawa lang ako at ‘di na siya sinagot. Nang lumabas na ang rainbow ay pinatigil ko na ang ulan.
Ang ganda talaga pagmasdan ng rainbow sa kalangitan. If only people knew that it’s a path to another world... malamang nagsubok na silang makapunta sa hangganan niyon at pumunta roon.
People are curious. They like to explore things that are new to them, kaya paniguradong ‘yon nga ang mangyayari. Pero tanging mga katulad lang namin ang nakakakita sa hangganan nito. Nakikita ng mga tao ang rainbow pero ‘di nila alam kung sa'n ang hangganan nito.
"Tara na," walang emosyon kong wika nang balingan sila.
I knew I suddenly became cold. Well, it’s normal to me lalo na kapag nagagamit ko ang kapangyarihan ko. Para bang nagiging ibang tao ako.
"Change of moods, eh?" rinig kong puna ni lolo, napansin ang pagbabago ko.
Sumabat naman si Keira. "Hindi pa kayo nasanay sa apo niyo, lo. Ganiyan talaga ‘yan—madalas loka-loka, at bigla na lang nagiging malamig sa ‘yo. Weird po talaga ‘yan!”
Hindi na ako nakipagbangayan pa kay Keira. Sa halip say sumimangot ako. "Tara na kasi.”
Dinuro ako ni Keira habang ang tingin niya’y na kay lolo. "Tignan n’yo, kanina lang cold, ngayon naman naka-pot na. Idol niya yata ‘yong tatlong bebe na nagsabi ng kwak kwak! Sige nga nga, Firoah, say 'Kwak kwak!’. Again, say kwak—"
"Sige ulitin mo pa, sasapakin kita!" pagbabanta ko at sinamaan siya ng tingin. Tinawanan lang naman niya ako kaya nairapan ko siya. Sina lolo naman at lola ay nakangiti at napapailing lang sa amin. "Tara na kasi."
"Saan ba?" tanong niya.
"Sa rainbow na ‘yan." Si lola na ang sumagot.
Kumunot ang noo ni Keira, nagtataka. "Bakit po sa rainbow?"
"Diyan kasi este ang rainbow kasi ang daan patungo sa Niji World, sa mundong pupuntahan natin," explain ni lolo.
"Ah, kaya pala pinaulan mo.” Napatango-tango si Keira, naliwanagan na. 'Di matago ang pagkamangha sa kaniyang mukha.
Nagsimula na kaming maglakad at nang malapit na kami sa rainbow ay bigla na namang dumaldal si Keira.
"Mas maganda pala ang rainbow sa malapitan?" namamanghang tanong niya.
Para talagang bata.
"Malay ko sa mga mata mo," pambabara ko. Trip ko lang siyang barahin ngayon.
"Che!" nainis na aniya.
Tumawa na lang ako at inasar pa siya hanggang sa nakatapak na nga kami sa Niji World.
Napangiti ako nang malawak at namamangha pa rin sa nakikita ko. Para bang bago lang sa akin ang lahat kahit ilang beses na akong nakapunta rito.
“Ang ganda talaga dito!" wala sa sariling naibulalas ko.
"Ang ganda nga—parang ako lang! I love it!” sabat naman ni Keira.
Nagyayabang na naman siya. Hindi ko alam kung pinupuri ba talaga niya ang lugar na 'to, o ang sarili talaga niya.
Binaling niya ang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko nang may pagtataka akong nabasa roon. “Bakit?”
"Sabi mo sa ‘kin nagpupunta ka rito. Bakit kung umakto ka parang ngayon ka lang nakapunta? Nasapawan mo pa ako,” sagot niya.
Huminga ako nang malalim bago siya sinagot. "Oo, nagpupunta ako rito pero ‘di ko masyadong napaagtutuunan ng pansin ang kagandahan ng lugar na 'to. ‘Di naman ako nagpupunta rito para mag-fieldtrip, gumala, maglakwatsa at mamasyal. Nagpupunta ako rito para makipaglaban."
"Psh, magkasingkahulugan lang ‘yong gumala, maglakwatsa at mamasyal, ah! Lol,” puna niya saka umirap.
"Bakit ba! Gusto ko maging mahaba ang sasabihin ko, eh."
"Whatever.” Nagpalinga-linga siya sa paligid at kumunot ang kaniyang noo. “Teka, nasa’n sila lolo at lola?"
Naalarma ako at nagpalinga-linga na rin sa paligid. "Sa’n sila napunta?"
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...