CHAPTER 20

5.3K 197 31
                                    

The ranking battle ended at seven in the evening. It didn’t really totally end ‘cause half of the students weren’t able to fight yet. The host just told them that they would continue it tomorrow.

‘Twas now, and because I’m done, puwede na akong hindi pumunta sa Arena at gumala lang. Wala rin namang pasok.

Siguro’y hahanapin ko na lang ang mall dito. Saan ba ‘yon?

Ang sabi rin ng katabi kong kaklase, may iba pang galaan dito maliban sa mall. They only call it ‘park’ but it looked like an amusement park the way she described it.

Maaga akong nagising kahit walang pasok. Gusto ko kasing hanapin iyon dahil bored na rin ako at wala akong magawa sa buhay.

I wore a white sleeve crop top paired with black high waist jeans, and white shoes. Naka half ponytail ang buhok ko’t may kaunting strands na nakabitin sa gilid ng aking mukha. I put a powder on my face and a lipgloss on my lips. Pagkatapos niyon ay bumaba na ako.

I haven’t eaten yet. Siguro’y doon na lang sa mall.

Nang makalabas sa dorm, nilapitan ko ang babaeng nakatambay sa bridge at nagseselpon. Hindi siya naka-uniform pero sa tingin ko’y ka-edad ko siya. Maybe second year din siya at wala silang pasok ngayon.

“Excuse me,” I said as I stopped beside here.

She smiled as she faced me.  “Yes?”

I smiled back at her. “Do you know where the mall is?”

“Ah. Bago ka rito.”

“Yeah.”

She pointed the way at the back of the dorm then returned her gaze back at me. “There are three bridges sa likod ng dorm natin. Iyong nasa left, iyon ‘yong papunta sa park. Iyong nasa center, sa mall iyon. Iyong nasa right naman, clubhouse. Medyo malayo nga ang mga ‘yon pero matutunton mo rin naman dahil iisa lang din naman dahil sa signs at may kalsada rin. You just need to follow it.”

Tumango ako at muling ngumiti sa kaniya. “Thank you.”

“You’re welcome!” masiglang aniya. “By the way, I like your outfit. Where did you buy that?”

Napatingin ako sa suot ko’t nahihiyang ngumiti. I’m not really stylish kaya nakapaninibagong may pumuri sa damit ko.

Bago ko pa siya masagot ay nagsalita na siyang muli. “In human’s world?”

Umawang ang labi ko sa narinig. Natawa pa siya sa reaksyon ko’t tinapik ang aking balikat. “I came from their too. Halata kasi sa kilos mong nanggaling ka rin doon.”

That was unexpected. Akala ko’y kami lang nila lola at lola ang naninirahang nijius doon. Pero mayroon pa pala. Baka nga marami kami roon at mas pinili ng ibang manatili at makisalamuha sa mga mortal.

“I’m Draiel by the way. You are?”

Inabot niya ang kaniyang kamay. Kinuha ko ‘yon at nakipagkamay. “Firoah.”

“It’s nice to meet you, Firoah.”

“Same here,” tugon ko’t ngumiti pabalik sa kaniya.

Matapos ang usapang iyon ay tumuloy na ako sa likod ng dorm. Ngayon ko lang nalamang malawak pa pala ang lugar doon. Akala ko’y dead end na roon. Ngayon ko lang din nalamang may clubhouse din pala rito. Hindi ko tuloy alam kung saan na ako pupunta ngayon habang nakatanaw sa tatlong tulay. Gusto ko rin kasi sa club house at park.

Sa ilalim ng mga tulay ay tubig. Napalilibutan niyon ang dorm at karugtong ang tubig na iyon sa tubig ng dalawang tulay sa harap ng dorm. Para bang nasa maliit na isla nakatayo ang dorm dahil sa tubig na nakapalibot dito.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon