CHAPTER 50

2.2K 93 31
                                    

Malalim na paghinga ang pinakawalan ko habang nakaupo sa swing at pinagmamasdan ang mga tuyong dahong nahuhulog sa mga nakalinyang puno sa aking harapan dahil sa agresibong paghampas ng malamig na hangin. Itinaas ko nang bahagya ang kanang kamay at sinalo ang dahong napadpad palapit sa akin. Hugis puso iyon at pula ang kulay kahit tuyo na. Hapon na at kaunti na lang ang mga nijius na naririto sa parke ngayon. Katatapos lang din ng misyon namin ni Eres kanina sa bayang ito at bukas ay aalis na kami. Gusto niya na mamasyal muna kami at sulitin ang natitirang oras dito kaya heto’t narito kami sa parke ngayon. Umalis muna siya saglit upang bumili ng makakain namin.

Mataman kong tinitigan ang dahong nasa palad ko saka ito hinipan at napatingala nang marinig ang mahinang pagkulob. Unti-unti ng nawawala ang mga sumasayaw na iba’t ibang kulay sa kalangitan—na kung tawagin sa mundo ng mga mortal ay ‘aurors borealis’ ngunit ang pagkakaiba nito’y lumalabas ito sa umaga rito—at napapalitan ng madilim na ulap. Mukhang uulan pa yata ngayon. Tila nakikisabay ang langit sa nararamdaman ko.

It had been two months since I last saw Sairi. Today was supposed to be our second monthsary and today was twenty-second of December. Tatlong araw na lang, pasko na. Still, Sairi hadn’t return yet. There’s no news of him and Shin. Ilang beses ko nang kinulit si Prof. Bryce tungkol sa kaniya no’n ngunit tikom ang bibig ni Prof. Lagi na lang niyang sinasabing babalik si Sairi and I just have to wait.

2 months of waiting without communication with him was hard. It hurt yet I am still hoping—we’re still hoping. Pinanghahawakan namin ang sinabi ni Prof. dahil alam naming hindi niya sasabihin iyon kung hindi iyon totoo. Kailangan lang naming maghintay kahit matagal, kahit walang kasiguraduhan kung kailan. It might be next month, next year, or school year.

Naiisip ko pa lang na next school year na, hindi ko yata kakayanin. I would probably hate him. He didn’t contact me. He did not say he was leaving. He did not give an assurance that he’ll come back. He just... disappeared.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na may rason kung bakit wala siya rito, may rason kung bakit hindi sinasabi ni Prof. Bryce kung nasaan siya, at may mahalaga lang talaga siyang ginagawa sa kung nasaan man siya ngayon. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga negatibong bagay. Even LEs were like this too. They sometimes think Sairi might not return anymore, or Sairi was in danger and Prof. Bryce and HM Jade were just hiding it to us.

It’s just that... 2 months without hearing any news about him, made us all overthink.

“You’re thinking about him again.”

Napatuwid ako sa pagkakaupo sa swing nang marinig ang boses na iyon ni Eres. Nabaling ang tingin ko sa kaniya, tipid na ngumiti, saka pinasadahan ng tingin ang hawak niyang dalawang paper bag sa magkabilang kamay. Seryoso ang tingin niya sa akin at hindi man lang ako ginantihan ng ngiti. Umupo siya sa kabilang swing sa kanan ko saka ibinigay sa akin ang isang paper bag. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman. It was a one piece of burger and a lime sherbet float. I took it and started eating the burger as I gazed at the falling leaves again.

“You love Sairi that much I guess,” halos pabulong niyang saad na malinaw ko pa ring narinig.

Natigil ako sa pagkain at natahimik. Eres had been in our section for 3 weeks now. Hindi na nakapagtatakang naikuwento ng LEs sa kaniya si Sairi. Maaari ding kilala na talaga niya ito noon pa since Sairi was a bit known too in different schools as what Raiton told me. Iyong tungkol sa amin ni Sairi, hindi ko alam kung naikuwento ba ’yon ng LEs sa kaniya o masyado lang talaga akong halata kaya nalaman din niya iyon.

“You aren’t really obliged to wait for a man who just left you without any word, Firoah,” dagdag niya pa.

Nabaling ang tingin ko sa kaniya. His serious eyes were fixed on me and he didn’t even blink.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon