CHAPTER 9

8.6K 325 19
                                    

CHAPTER 9

Umaga na nang minulat ko ang aking mga mata. Dinig na dinig mula rito ang huni ng mga ibon at agos ng ilog na pinuntahan ko kagabi. Wala na si Keira sa tabi ko. Siguro'y nasa ibaba na siya.

Tumayo ako't kumuha ng tuwalya at dumeritso na sa cr para maligo. Pagkatapos ay nagbihis, nagsuklay at bumaba na rin. Dumeretso ako sa kusina. Nando'n na sila lahat at ako na lang ang hinihintay.

"Bagal mo naman," ani Keira pagkaupong-pagkaupo ko.

Nagpeace sign lang ako at nagsimula na kaming kumain. Nang matapos ay si Keira na ang nagrepresentang maghugas ng pinggan. Ako naman ay nanood lang ng TV.

Dito sa Niji ay may mga gadgets din at mas high-tech pa sa Earth. May cellphone, computer at kung ano-ano pang technology. May social media nga rin, eh. May "Mybook" na katumbas ay facebook sa Earth. Makaka-chat ka, video call at makakapost. May "Eutopia" na katumbas ay Youtube sa Earth at marami pang iba.

Focus na focus ako sa panonood ng palabas nang tinawag ako nina lolo at lola. Sumenyas sila sa 'kin na sumunod kaya sumunod ako.

Nasa balkonahe kami't nakatanaw sa mga halaman sa ibaba habang nakaupo sa malapad na bench.

"Fire, apo." Agad na nabaling ang tingin ko kay lola.

Fire minsan ang tawag nila sa 'kin 'pag tinatamad silang bigkasin ang Firoah. Trip talaga nila paikliin 'pag tinatamad sila.

"Bakit po, la?" nagtatakang tanong ko.

Heto na naman sila't seryoso. Mukhang may sasabihin na naman silang lihim sa akin. Ano pa ba'ng mga tinatago nila?

"May sasabihin kami ng lolo mo, at 'wag mo nang tangkaing basahin ang isip ko dahil ngayon din malalaman mo lahat na walang labis at walang kulang," ani lola at tinitigan ako nang seryoso.

Medyo kinabahan ako dahil seryoso talaga ang mukha nila. Feel ko tuloy 'yong sasabihin nila ay may malubha silang sakit at anytime, puwede na silang kunin ni Lord.

Ayaw ko niyon. Huwag naman sana.

"Ano na naman po ba'ng sasabihin n'yo? Lilipat na naman po ba tayo ng lugar? Kakalipat lang po natin ah," pagbibiro ko para mawala sa isip ko ang kaba at ang naisip ko kanina.

"Hindi, apo. Tungkol to sa 'yo, sa pagkatao mo," sagot ni lolo.

Imbes na makahinga dahil hindi ang nasa isip ko ang sinabi nila ay mas lalo pa tuloy akong kinabahan.

Ano ba talagang sasabihin nila?

Gusto ko sanang basahin ang isip nila pero pinigilan ko. Ayaw ko i-invade ang utak nila lolo at lola. Ayaw nila niyon. Alam ko naman kahit papano ang salitang 'privacy' eh, at saka sabi naman nila, sasabihin nila lahat nang walang labis, walang kulang.

"Ano po ang tungkol sa pagkatao ko?" Hindi ko tinago ang pagkalito sa aking mukha.

Tumikhim muna si lolo bago nagsalita. "Apo, 'di ba dati no'ng bata ka pa natanong mo minsan sa amin ng lola mo kung nasaan ang mga magulang mo? Kung sino sila?"

Tumango ako. Dati nga ay lagi ko 'yong tinatanong. Naiinggit kasi ako sa mga kaklase ko noon may mga magulang. Ang saya nila tingnan, at gusto kong maranasan niyon.

"Ngayon, sasabihin namin sa 'yo ang lahat."

"Lahat po?" paninigurado ko. Baka kasi nabingi lang ako, eh.

"Ay, tanga! Sinabi ngang 'lahat' 'di  ba? Paulit ulit lang ang peg?"

Napalingon ako sa taong nasa gilid ko na pabalang na nagsalita.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon