CHAPTER 55

1.2K 54 6
                                    

[THIRD PERSON]

Sairi’s hurting. He really is.

Sino nga bang hindi masasaktan kung ang babaeng pinakamamahal mo ay kalaban na ang turing sa iyo ngayon? At hindi mo ito kayang kalabanin. Kahit daplisan ito’y ’di mo kayang gawin, ang patayin pa kaya siya?

Parang pinipiga ang kaniyang puso sa bawat atake ni Firoah na kaniya lamang sinasangga. He couldn’t fight her back. He just couldn’t. Ilang beses na siyang muntik na nitong mahuli at matamamaan ngunit todo sangga lamang siya.

Firoah’s eyes were burning with anger as she looked at him. Tila ba hindi siya nito kilala. “Why can’t you fight back?”

Mapait na ngiti ang kaniyang pinakawalan. “I can’t.”

His chest was in pain but he was still able to smile at her—a bitter smile.

Muling sumugod si Firoah hawak-hawak ang sandata nito. Sairi jumped off and summoned his ice element sword to match Firoah. Pag-landing sa lupa ay agad niyang sinangga ang bawat pag-atake nito hanggang sa mapagod ito. Umatras ito nang iilang hakbang saka nagpaulan ng itim na mga apoy; her magic did really turn to dark now.

Tinapatan ito ni Sairi ng tubig at nanlilisik ang mga matang tiningnan siya ni Firoah. Napansin nito ang mga buwitreng paparating at agad itong tumalon upang sakyan iyon. Bumigkas ito ng mga salitang hindi pamilyar sa kaniya at ilang sandali lang ay dumami ang mga buwitre na sabay-sabay sumugod kay Sairi.

Sairi hovered and faced the vultures with bravery as he released lightnings in his hands. Natamaan ang mga ito at bumagsak sa lupa ngunit marami pa ring natitirang papasugod sa kaniya. Itinaas niya ang mga kamay. Lumitaw mula rito ang apoy na pana at palaso saka pinagpapana ang mga buwitreng lumalapit hanggang sa kaunti na lang ang natira. Then he summoned his ice elemental sword again as he jumped at the of the vulture that was advancing toward him. Pinaslang niya ito saka lumipat sa ipang buwitre na kaniya ring pinaslang bago tumalon sa lupa.

Sabay-sabay na lumapit sa kaniya ang mga natitirang buwitre at nagpakawala siya ng malaking apoy dahilan para masunog ang mga ito. Isang buwitre na lang ang natira—ang sinasakyan ni Firoah; nakatayo itong nakasakay rito at sumugod sa kaniya.

Lumipad si Sairi at hinabol naman siya nito. Sinusundan din siya ng itim na mga apoy kaya nagpaikis-ikis siyang lumipad upang hindi matamaan. Huminto siya nang mapagod at tinapatan ang mga ito ng ice spikes—sinisiguradong hindi matamaan si Firoah. Nang ito na ang papalapit sa kaniya—with her black-deadly eyes—umiwas siya at lumapag sa lupa.

He really couldn’t fight her. How could he if she meant anything to him?

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi agad namalayan ni Sairi ang papalapit na namang mga apoy sa kaniya. Nang humarap siya ay huli na ang kaniyang pag-iwas dahilan para matamaan siya sa tiyan. Napaupo siya sa lupa at naisandal ang sarili sa malaking tipak ng pader. Dumudura na siya ng dugo ngunit hindi niya maramdaman ang sakit niyon. It’s one of Firoah’s power that was transferred to him; he could tolerate the pain and feel numb. But the pain in his chest couldn’t be tolerated.

He never thought that they would end up this way: fighting each other. This scene never crossed his mind. All he could picture when he’s thinking of her was them, being happy together.

Nakangising lumapit sa kaniya si Firoah. There’s just evilness in the way she looked at him. Gone was the comfort and love in her eyes.

Nakasayad ang sandata nito sa lupa na lumilikha ng nakakikilabot na tunog. Imbes na matakot sa kung ano mang maaari nitong gawin sa kanya, ngumiti lamang siya. But deep inside, he’s in pain, not because of the physical she caused, but because of the fact that the lady he's loving, and the lady who onced loved him, was in front of him now and was about to kill him.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon