Nang gabing iyon, matapos kong kumain sa cafeteria kasama ang LEs, napadpad ako sa likod ng dorm. Iniisip ko kung ano na ang kalagayan nila Keirra doon, kung talaga bang ayos lang sila.
Nang makausap ko sila sa cell phone at narinig ang masisiglang boses nila, hindi pa rin ako makampante. Naroon iyong pakiramdam na gusto ko silang makita upang makasiguro sa kalagayan nila. Hindi iyon mawala sa isipan ko habang nakatingin sa mga isda sa ilalim ng tulay na kinasasandalan ko. Iyon ‘yong gitna o ikalawang tulay patungo sa mall.
“You’re still awake, huh?”
Napapitlag ako’t umayos sa pagkakatayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa gilid mo. Nang lingunin ko si Sairi, nakasandal na rin siya sa sementadong hawakanan ng tulay at nakatingin sa mga isda sa ibaba.
“Kanina ka pa riyan?” tanong ko.
“You’re too occupied that’s why you didn’t notice me.”
Kanina pa nga siya.
“What are you thinking?” Nilingon niya ako nang itanong niya iyon.
Napabuntong hininga ako. “I just missed my grandparents and my best friend.”
Mataman niya akong tinitigan dahilan para mawala ang pagkakomportable ko. “B-bakit?”
“You looked worried about them.”
“Sa Asreah kami nakatira.” Nakagat ko ang ibabang labi at pilit na ngumiti.
Lumapit pa siya sa akin dahilan para mapaatras ako. Ngunit hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, pinermi ako sa kinatatayuan ko, saka sinalubong ang mga mata ko. Napigil ko ang hininga’t naitikom ang bibig.
“They’re...” panimula niya sa namamaos na boses, ang mga matay titig na titig sa akin. “safe, so don’t worry too much,” saka ako binitiwan at iniwas ang tingin. “You should be sleeping early now. We’ll be up at twelve midnight.”
Hawak ko ang dibdib at habol ang hiningang napatitig muli roon sa mga isda sa ilalim.
“H-hindi ka pa nga rin natutulog.” Pinilit kong magsalitang muli kahit na nauutal.
“I was about to...” aniya at muli akong tiningnan, nakikita ko iyon sa gilid ng mga mata ko habang ang tingin ay nasa ilalam ng tulay, sa mga makukulay na isdang kumikislap. “but I saw you on your way here.”
“Sinundan mo ako rito?” baling ko sa kaniya at kinunot ang noo.
He didn’t respond. He just looked at me intently then looked away.
Nangingiting tiningnan ko siya’t aasarin na sana nang bigla siyang amayos sa pagkakatayo at naglakad palayo.
“H-hoy!” tawag ko rito ngunit hindi niya ako nilingon. “Sa’n ka pupunta?”
He just waved without looking at me as he continued walking. Nakangusong pinagmasdan ko na lang ang likod niya haggang sa nawala siya sa paningin ko.
“Tss. Ang hilig mag-walkout.” I rolled my eyes and shook my head at that thought.
Ilang sandali pa’y pumasok na rin ako sa dorm at nag-empake ng mga dadalhin bago matulog.
“Sasamahan ko kayo ngayon sa misyon na ‘to,” ani Prof. Bryce nang nakumpleto na kami.
May dala siyang isang bag sa likod niya at mga sandatang makasukbit doon katulad ng mga dala namin.
It was twelve in the midnight and we gathered here in front of the Academy’s gate. Soon, at the terminal, we’ll be separating ways. Sa Vaj ang punta naming Team Crescent at sa Taj naman ang Team Moon.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...