CHAPTER 56

1.3K 67 14
                                    

Hinihingal na si Sairi at marami na ring natamong mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan. Hindi man niya nararamdaman ang pisikal na sakit, ramdam naman niya ang panghihina at pagod ngunit hindi niya magawang makapagpahinga. Firoah did not allow him. Sugod ito nang sugod na para bang walang kapaguran. Linalabanan niya ito ngunit tila mas malakas yata talaga ito sa kaniya, o nagpapadala lang talaga siya sa emosyon niya kaya ’di niya ito mahigitan o kahit mapantayan man lang?

“You’re weak,” ani Firoah sa mapang-asar na tono.

’Di kumibo si Sairi at pinagpatuloy na lang ang pakikipaglaban dito. Bakas na sa kaniyang seryosong mukha ang pagod na pilit niyang hindi ipinapakita rito. Firoah smirked as she continued fighting him.

Sa loob ng palasyo, nasisiyahan na si Draco sa nasasaksihan sa malaki at antigong salamin. Ang pagdanak ng dugo sa ginawa niyang mundo, ang mga nasawing kaniyang nasasakupan ay tila ikinasisiya pa nito. Tila wala lang din dito ang nasaksihang pagkamatay ng nag-iisang anak.

His people and his son were just collateral damages of his plan. He didn’t need them. He only needed Firoah to succeed. He can build a new army again that is stronger once he succeed. Lahat ay kaniyang magiging tagasunod.

Si Eres ay kaniyang anak sa dinukot niyang dalagang nijius. Matapos isilang si Eres ay saka niya pinatay ang ina nito. Pinalaki niya si Eres upang maging sandata at kasangkapan lamang ng kaniyang planong pananakop sa Niji. Ngunit hindi na niya ito kailangan.

“Come on, Firoah. Kill your beloved,” nakangising saad niya at humalakhak nang ipakita ng salamin ang labanan ni Sairi at Firoah.

Gano’n na lang ang kaniyang pagkagalak dahil sa nakikitang pagpipigil ng binata. Tila malapit na nga niyang malasap ang tagumpay—ang hinahangad na kapangyarihang pamunuan ang Niji at ang mga mortal.

“Too much love makes you weak,” naaaliw niyang sambit.

Naglalaban ang dalawa gamit ang kanilang mga sandata, lumilipad at tumatalon sa ere hanggang sa bumagksak si Sairi sa madugong sahig. Hindi pa siya nakababangon nang mag-landing si Firoah sa harap niya at tinutok sa kaniya ang espadang hawak.

Ngumisi si Draco ngunit naantala ang panonood nang mahagip ng kaniyang dalawang pares na mga mata ang tumatakbong alagad patungo sa kainya. Humahangos itong huminto sa kaniyang harapan na ikinakunot ng kaniyang noo.

“Mahal na hari, nakapasok na ang ibang nijius sa palasyo!” wika nito.

Ngumisi siya, tumingin saglit sa antigong salamin, at sabik na tumayo, tila nasisiyahan sa balita. “Matagal-tagal na rin akong ’di nakikipaglaban. Tingnan natin kung ano’ng kayang gawin ng lapastangang pumasok sa palasyo ko.”

“IYAN lang ba talaga ang kaya mo?” pang-iinsulto ni Firoah kay Sairi.

Nakasandal na siya sa bitak-bitak na tarangkahan at dumudura na ng dugo habang nakatutop ang espada ni Firoah sa kaniyang dibdib. Napaliligiran ito ng itim na usok, tila may buhay sa loob niyon.

Ngumisi si Sairi, “I guess so.”

Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya nito. Galit na galit na nga ito at sumasayad na ang espada sa kaniyang tiyan. Kaunting diin pa’y siguradong mapapaslang na siya nito. “Bakit ’di ka lumalaban nang buong lakas? Bakit ka ba nagpipigil? Iniinsulto mo ba ang kakayahan ko?”

“I love you…” he answered. Firoah stared at him in confusion. Tila hindi nito maintindihan kung bakit niya sinabi iyon. She couldn’t recognize him. “And loving you,”—He smiled—“is an enough reason… right, Fire?”

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon