Nangunot ang aking noo nang magising dahil sa tunog ng alarm clock ko na nakapatong sa study table sa gilid ng kama. Sinamaan ko ito ng tingin na animo’y isa itong tao dahil sa nakaririndi nitong ingay.
Nang tumunog na naman ito ay tinapon ko na kung sa’n. Inaantok pa kasi ako’t masyado pang maaga.
“Flasing lights and we,
Took a wrong turn and we,
Fell down a rabbit hole~”
Napairap ako sa aking mga mata nang ang cell phone ko na naman ngayon na katabi ko lang sa pagtulog ang tumunog. Ringtone ko iyon na pantawag. Kinuha ko ito at itatapon na sana nang manghinayang ako. Pinag-ipunan ko nga pala ito ‘tapos itatapon ko lang.
Nagbuntong-hininga ako at napaupo sa kama kong gusot ang bedsheet dahil sa likot kong matulog saka sinagot ang tumatawag.
“Sino ‘to?” naiirita kong tanong sabay kusot ng aking mga matang inaantok pa. Nakatakip pa rin sa katawan ko ang kumot.
“Try mo kaya i-check cell phone mo bago sagutin? At saka, wala man lang good morning?” masungit na sagot nito.
Ni-check ko ang phone ko at napag-alamang si Keira iyon dahilan para mapairap ako.. Ang aga naman tumawag ng babaeng ‘to!
“Tch! Ano ba‘ng good sa morning? Inistorbo mo lang naman ang panaginip ko. Nasa climax na ako niyon, e!”
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya bago ulit magsalita sa masyadong pormal na tono. “Whatever. Bumaba kana riyan sa bahay n’yo at ako’y iyong pagbuksan ng inyong tarangkahan dahil sa ako’y kanina pa nakatayo sa harap nito.”
Anong trip niya’t ang lalim niya yata managalog ngayon? Hindi pa naman buwan ng wika, ah.
“Naks! Ang lalim natin ngayon, ah. Nosebleed si ako.” Napahawak pa ako sa ilong ko kahit ‘di nanam niya ako nakikita.
Mahina siyang tumawa. “Dapat lang! Pinagpraktisan ko kaya ‘yon!”
“Ika'y maghintay riyan dahil akoy tutungo na.” Nasapo ko ang noo at natawa sa sarili. “Ano ba 'to! Nagagaya na ako sa kalokohan mo!”
Narinig kong muli ang pagtawa niya. “Bilis na kasi. Ayaw kong pinaghihintay ako.”
Binabaan ko na siya ng cell phone at nagtungo na sa gate. ‘Di na ako nagsuklay at nagkuha ng mga muta ko sa mata dahil bestfriend ko lang naman ang makakakita. I’m that comfortable with her.
“Ano o sino ang nag-udyok sa ‘yo para pumarito?" bungad ko agad sa kaniya pagbukas ko ng gate.
“Ako lang. Boring sa bahay, eh,” sagot niya nang nakangiti pa nang malawak.
Nahiya ang model ng toothpaste sa ngiti niya. Puwede na siyang pamalit!
Dumako ang tingin ko kaniyang dala na dahilan ng pagkakunot ng aking noo. “At ano naman 'yang dala mong bag? 'Wag mong sabihing naglayas ka? Keira, sinasabi ko sa 'yo, huwag kang maglayas kung dito ka rin lang naman tutuloy! Alam mong magkapitbahay lang tayo. Sinasabi ko sa 'yo, madali kang matutunton dito!”
Eksaheradang pinagdilatan niya ako ng mga mata saka iwinagayway sa harap ko ang bag niya. “Huwag ka ngang OA. ‘Di ako naglayas. Ang liit lang kaya ng bag na dala ko.”
Kinuha ko ang bag niya at tinignan kung ano ang laman. “Eh, bakit mga damit 'yang nasa loob?” kunot noong tanong ko.
Inirapan niya ako. “Huwag ka nga. Isang t-shirt lang 'yan, isang short, isang bra at isang you know, panty. Kung maglalayas man ako, hindi lang 'yan ang dadalhin ko.”
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...