"Hello, Philippines! Hello, sunshine! Hello, world! Hello, universe!" bungad ko agad pagkabukas ko sa bintana. Agad kong nalanghap ang sariwang hangi na nanggagaling sa labas.
Napangiti ako nang mabalingan ang alarm clock ko. 5:30AM pa lang at hindi pa ito tumutunog ngunit nagising na ako.
Kung kailan walang pasok, saka naman ako maagang nagising. May pagkabaliktad talaga 'yong utak ko.
Pumasok na ako sa bathroom at naligo. Nang matapos ay nagbihis at nagsuklay ako saka bago bumaba at nagtungo sa kitchen para magluto ng almusal namin ngayon. Sakto ring bumaba sina lolo at lola nang matapos akong magluto.
"Kain na po tayo!" masaya kong sabi at inayos ang hapag.
"Aba! Parang masarap ang almusal natin ngayong umuga," nakangiting ani lolo at naupo na sa kaniyang parating puwesto.
"Anong 'parang masarap'? Lolo naman! Masarap na masarap po talaga 'yan dahil ako ang nagluto niyan!" nakanguso kong sabi at naupo na rin kasabay ni lola na umupo sa tabi ni lolo.
"Ang aga mo ata nagising, apo," ani lola.
"Feel ko po kasi gumising nang maaga ngayon."
"Pagkatapos natin kumain, may pag-uusapan tayo kaya bilisan na natin kumain," seryosong wika ni lolo na nagpakaba sa 'kin.
Nagtaka ako at nakaramdam ng kaba.
Ano kaya ang pag-uusapan namin? Mukhang importante, ah?
I was planning to to read their minds when lolo spoke. "Huwag mo nang basahin ang isipnnamin. Malalaman mo rin naman mamaya. Kumain na tayo."
Napanguso ulit ako at nagsimula na lang kumain nang hindi nawawala ang pag-iisip sa kung ano mang sasabihin nila.
Nang matapos kumain ay naupo kami sa dining room para mag-usap na nga. Iyan na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Naglakas loob na ako. Nakatitig lang kasi sila sa akin nang seryoso.
"Aalis na tayo rito, apo," agarang sagot ni lolo na nagpabigla sa 'kin.
"Po? Sa'n naman po tayo pupunta? Mag-a-out of town po ba tayo?"
"Hindi, apo. Hindi tayo mag-o-out of town. Aalis na tayo rito sa bahay natin at hindi na tayo babalik pa." Si lola naman ngayon ang nagsalita. Kumunot ang noo ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanila.
"Sa'n po tayo pupunta? Magma-migrate na po ba tayo sa ibang bansa? Sa'n? Sa Korea po ba? Sa wakas! Makikita ko na rin sa personal ang BTS lalo na si Jungkook my babe!" Napapalakpak ako at tumayo sa kinauupuan ko nang abot tainga ang ngiti.
"Hind tayo roon pupunta..." putol ni lola sa kasayahan ko. Nahinto ako at napaupo ulit. "kundi sa mundo kung sa'n ang mga tulad nating may kakaibang kakayahan ay nararapat," dugtong pa ni lola.
Nanlaki ang aking mga mata at 'di makapaniwala sa narinig. "Sa Niji?"
Tumango sila at ngumiti bilang sagot. Napatalon ako sa saya at napa-freestyle. "Yes! Sa wakas! Ang tagal ko itong hinintay! Niji Academy, wait for me! Makakapag-aral na rin ako roon!"
Natatawa lang akong pinagmasdan nina lolo at lola. Pero natahimik din ako nang maisip ko ang isang taong napakaimportante sa 'kin na maiiwan ko.
Pa'no na ang bestfriend ko? Pa'no si Keira?
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at 'di na nakaimik.
"May problema ba, Firoah?"
Napapitlag ako at napalingon kay lola. Pilit akong ngumiti. "Pa'no po si Keira?"
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...