[FIROAH]
Pagkarating ko sa Niji, nagpunta agad ako sa bayan kung sa'n ang gulo. Nadatnan ko agad do'n ang mga estudyante ng Niji Academy na nakikipaglaban. They were only seven and the foes were so many! May nakikita rin akong kakaibang mga nilalang. Nakita ko na ang larawan niyon sa libro ni lola na naglalaman ng mga kakaibang uri ng mga nilalang sa Hei. They are called soul eaters, the elements who eat soul.
“That girl with a rainbow hair… she's here,” I heard someone said behind me. His voice was husky, and I could say that he's not that far from where I am standing.
I turned around to face him and I met his red eyes. My gaze went down on his pointed nose, then to his kissable-sinful lips. He's just too flawless and too handsome that I could compare him to a greek god. I could kiss him right now!
Nasapo ko sa isip ko ang ulo ko dahil sa naisip.
Naku! Nasa labanan ako tapos ito ang iniisip ko? Ay grabe! Laban muna bago landi, Firoah!
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tinuon na lang ang pansin sa mga kalaban. Sumugod ako sa isang dark magic user na nagtangkang atakihin ang isang batang umiiyak na dahil sa takot. Kinulong ko ito sa isang bula na ginawa ko at do'n ko siya kinuhanan ng hangin upang hindi na makahinga hanggang sa naging itim na usok ito at naglaho. Hinagisan ko ang mga kumpol ng mga soul eaters ng mga bolang apoy, pero nabigla ako nang paghagis ko, imbis na maglaho na sila, mas lalo itong dumami. Sinubukan ko ang iba ko pang elemental abilities pero tila hindi ito natatablan at mas lalo pa silang dumarami.
“They won't die,” malamig na ani ng lalaking pula ang buhok.
“We did everything. Ginamitan na namin ng kahit anong abilities namin but it won't work,” ani naman ng kulay lila ang buhok. His electric violet eyes says he's serious.
Napaisip ako saglit saka tiningnan silang muli. “Kayo na bahala sa mga dark magic users at ako naman sa mga soul eaters.”
Sinunod naman nila ang sinabi ko. I focused my eyes to the soul eaters. I closed my eyes and concentrated with what I'm doing while muttering to myself, “I hope this would work.”
I mixed all the seven elements: fire, energy, light, earth, water, wind, and lightning and it formed into tiny balls. It's like a rainbow that represents the 7 elements. Fire - red, energy - orange, light - yellow, water - blue, earth - green, wind - indigo, and lightning - violet. That's the only way I could think to beat them. Maybe mixing all theses elements will work.
I made a barrier for myself so no one could go near me and could hit me. Kasabay ng pagbukas ng aking mga mata ay siya ring pagkasira ng barrier na nagpoprotekta sa akin, ‘di dahil sa mga dark magic users at soul eaters na pilit sinisira ito kun’di dahil sa ginawa kong maliliit na rainbow balls.
I manipulated the tiny balls. Agad itong sumugod at pumasok sa bunganga ng mga soul eaters, saka 'yon sumabog sa loob ng bunganga nila.
I smirked when I saw the soul eaters vanished. Wala na rin ‘yong mga dark magic users dahil natalo rin sila ng mga Legendary Elementalists. Yeah, I know that they're the Legendary Elementalists ‘cause it's not the first time I saw them in a situation like this. Sila kasi lagi ang pinapadala ng Niji Academy sa ganitong labanan. Sa akademiyang 'yon, naging propesor sina lolo at lola noong dito pa sila nakatira sa mundong ‘to kaya marami akong alam tungkol do'n. Bata pa lang ako'y gusto ko nang mag-aral do'n.
Nilingon ko silang muli at napatitig ako sa lalaking pula ang buhok. I just couldn’t take off my eyes on him. Crush ko na siya dati pa.
Lalandi na ako kasi wala naman ng kalaban. Nang makuntento ako sa simpleng pagtitig sa kaniya na 'di nila nahahalata ay naglakad na ako paalis nang biglang magsalita ang babaeng kulay green ang buhok. Her name is Michi. Yeah, I know her name. I have this ability na ‘pag nakita ko agad ang tao o nilalang, malalaman ko agad ang pangalan nila, but I didn’t use it to that red-haired guy dahil gusto kong sa kaniya dapat manggaling 'yon. Gusto kong siya ang magapakilala sa sarili niya sa ‘kin. Crush ko, eh.
“Thank you.” That's what Michi said.
Ngumiti ako sa kaniya.
“Who are you?” the red-haired guy asked me.
Ba't ba kasing gwapo niya ang boses niya? Feeling ko para akong hinaharana.
I just smiled again and muttered, “Welcome.”
“Wow! Ang cool naman ng name mo! Welcome! Ang astig—aray! Ouch! Ba't ka ba nambabatok? 'Di mo man lang ako pinatapos sa sinasabi ko!” the blue-haired guy said na hinihimas pa ang batok na binatukan ni Angeineji.
He is Mizu. Si Angie naman, siya yung naka-orrange hair.
“Ah, gano'n ba? O sige tapusin mo ‘yong sinabi mo kanina,” she said it in a sarcastic voice but seemed like Mizu didn't get that it was sarcastic.
“Okay, take 2. Wow! Ang cool naman ng name—aray! Nambabatok ka na naman. ‘Di mo nanaman ako pinatapos!” He glared at her and pouted.
Lihim akong napangiti sa kakulitan at kakyutan nilang dalawa.
“Inulit mo pa talaga ang sinabi mo kanina. Sarcasm naman ‘yong pagkakasabi ko!” naiinis na ani Angie at napairap.
“Baliw ka talaga, Mizu. Obvious naman na that 'welcome' is sagot ‘yon sa sinabi kong 'thankyou' sa kaniya. Psh.” Napairap na lang din si Michi.
"Tch. 'Di n'yo naman kailangang mambatok. Eh, kung kayo kaya batukan ko?" Akmang mambabatok si Mizu sa dalawa nang tumakbo ang dalawa sa likod ng lalaking pula ang buhok.
Walang emosyon lang na nilingon niya sina Angie at umalis agad sila sa likod nito. Takot ata.
Gusto ko nang matawa pero pinipigilan ko lang talaga. Pinipilit kong iseryoso pa rin ang mukha ko saka sila tinalikuran kahit gusto ko pang manatili para masilayan ang mukha ng aking tinatangi. Sana all tinatangi.
I nonchalantly walked in the campus’ hallway. Tapos ko na rin kulayan ang buhok ko ng itim. May contactlens na rin ulit ang mga mata ko.
Pagkapasok ko sa classroom ay agad bumungad sa 'kin ang malaking bunganga ni Keira. "Buti naman at naisipan mo pang pumasok? Tanghali na kaya! Kung wala ka ng balak pumasok, mag-drop ka na lang!"
"Nga, eh. Nakakatamad kayang pumasok at nakakaantok lalo na pag nakikita ko ang mukha mo. Mukha ka kasing banig." Ngumiti ako nang nakakaloko sa kaniya at halos matawa ako nang nag-pout siya sa harap ko.
"Grabe ka naman sa 'kin. Your hurting my feelings," ainya at napahawak pa sa may dibdib niya—flat naman.
"Wag ka ngang mag-pout; 'Di bagay sa 'yo. Yuck!" pang-aasar ko pa.
Tinignan niya ako nang masama at siyempre, magpapatalo ba ako?Asa! Kaya tinignan ko rin siya nang masama.
"Good afternoon, class!"
Napalingon kami sa instructor naming bagong dating at napaupo agad. Mahirap na, baka mapagalitan pa.
Kung hindi siguro dumating ang instructor namin—na 'di ko alam ang pangalan at wala akong balak alamin—hindi kami matatapos sa pagtitigan nitong bestfriend ko. Walang gustong magpatalo, eh.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasíaFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...
![Niji Academy [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/50666078-64-k425997.jpg)