CHAPTER 28

4.6K 173 58
                                    

[SAIRI]

I sighed as I turned the page of the mystery novel I am reading then continued reading the last chapter. Nasa huling pahina na ako ngunit hindi ko pa rin maintindihan ang binabasa ko—not because it is complicated but because I’m thinking of something else as I read. It was like I am just turning the pages but didn’t really read it.

“Yow, Sairi!”

I stopped when I heard that voice. Sa tono ng pananalita niya kanina, nagbabalak siyang gulatin ako pero hindi nangyari ‘yon dahil naramdaman ko agad ang presensiya niya at hindi naman ako magugulating tao.

“What?” I asked in a cold voice then tried to focus on reading again.

“Nagseselos na ako, ah! Bakit ‘pag si Firoah ang kausap mo, hindi ka ganiyan makitungo at natitingnan mo pa siya.You always looked attentive at nagagawa mo pang tumawa! Pero sa ‘kin, hindi! It's unfair!”

Sinirado ko ang aklat na binabasa ko at tinitigan siya. Nasa dibdib niya ang kanang kamay at umaaktong nasasaktan.

Naiiling na binato ko siya ng unan. “Gay.”

Sinalo lang niya iyon saka lumapit pa sa akin nang nakangisi. “You look like a nerd.”

“Shut up Kaze,” saway ko rito.

Kinuha niya ang upuan ng study table ko at umupo sa harapan ko. “You’re so serious, bro. I’m just kidding.”

“You’re not funny.”

Tiningnan niya ako nang seryoso dahilan para iilapag ko ang libro sa kama at itinuon ang pansin sa kaniya, naghihintay sa kaniyang sasabihin.

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “What's up with you and her?”

Kumunot ang aking noo. “Who?”

“You and Firoah,” paglilinaw niya.

“What about her?”

“You're a different when you’re with her. Hindi ka Robot.”

“I’m not really a robot. Tss.”

Natatawang kinuha niya ang ballpen sa study table ko at pinaglaruan ‘yon.

“Okay, hindi nga, but you talk like a robot: monotone, no emotions—well, minsan meron pero pagkainis at galit lang. You don’t know how to laugh or smile, pero ngayon, nagagawa mo na ‘pag kaharap mo siya at kausap.” Hinagis niya ang ballpen sa mukha ko pero agad ko itong nasalo kaya hindi ako natamaan.

Pabagsak na humiga ako sa kama na nakalambitin ang mga paa at napatingin sa ceiling. “It’s not what you think.”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “You didn’t even know yet what I’m thinking.”

“I just... find her personality interesting,” I said, almost a whisper. “Nothing more.”

“Ahuh? LEs have interesting personalities too yet you aren’t like that toward us.”

Napabuntong-hininga ako, umupong muli at tiningnan siya sa mga mata. “Her presence reminds me of someone.”

Naikunot niya ang kaniyang noo.

“She’s the clumsy version though,” dagdag ko pa.

Naiiling na tinapunan niya ako ng tingin. “You really like to tease her even if she isn’t in front of you, huh?”

Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at lumapit sa bintana. Dumungaw siya roon.

“It’s still her, right?” tanong niya, nakadungaw pa rin.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon