CHAPTER 34

4K 162 38
                                    

They all went out of the training room after class. Siguro nasa dorm sila ngayon at nagpapahinga. Nanatili lang din muna ako sa training room at nahiga sa sahig. Alas kuwatro y media na no’n at tila wala pa akong balak umalis.

Nang umupo ako’y napasadahan ko ng tingin ang sarili sa sahig at nasabunutan ang sarili. I looked like a mess! Gulo-gulo ang buhok ko at ang lagkit-lagkit ng mukha. Magulo rin ang training uniform.

Ngumiwi ako nang maamoy ang sarili at nagbuntong-hininga. Ang dungis-dungis ko yata dahil sa training kanina. Nakita pa ni Sairi ang ganito kong itsura!

May shower room naman sa training room at may dala akong damit sa bag kaya nag-shower na ako roon. Nang matapos ay humiga ulit ako sa sahig, inaalala ang nangyari kanina. Kaunting galaw ko lang, masusugatan na niya ako sa leeg. Imbes na mabahala, napangiti pa yata ako. He’s just so attractive when he did it! His voice was soft and sexy too as he whispered to me while he’s standing at my back.

Even his smirks were ethereal. Kahit yata maging kalaban ko si Sairi, hahanga pa rin ako sa kaniya. I don’t know if it’s because of his appearance or he’s just Sairi and I love him—though he doesn’t know it yet and I’m not planning to confess.

Ngayon, hindi ko na nakikita sa mga mata niya ang pagkalito. He seemed so sure of something.

“Narito ka pa pala.”

Umayos ako sa pagkakaupo nang marinig ang boses ni Raiton. Liningon ko ang entrance ng training room at nakita siyang nakatayo roon. Nakangiti lang siya sa akin at wala yatang planong pumasok.

“Plano mo ba’ng maging model ng pintuan?” pagpupuna ko.

Kumunot ang noo niya, tila naguguluhan sa tanong ko. “Hindi naman. Ba’t mo natanong?”

“Feel na feel mo ang pagsandal diyan, eh. Try mo kayang pumasok, ‘no? Wala namang entrance fee.” Namaywang ako at kinunot din ang noo.

Natawa siya at naiiling na pumasok.

“So, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko nang maupo siya’t tumabi sa akin.

“I was about to go to the cafeteria. Nakita kong nakabukas pa ‘tong training room kaya napasilip dito,” sagot niya. “Ikaw? Ba’t ka pa narito?”

“Wala lang,” sagot ko ngunit hindi yata siya naniniwala sa sagot kong iyon. “May tanong ako,” pag-iiba ko sa usapan.

Naging kyuryoso ang mukha niya. “What is it?”

“Magkano presyo ng asin ngayon?”

It was supposed to be a joke but he’s too slow to process it.

“I don’t know. ‘Di naman ako bumibili ng asin, eh. I don’t cook.”

Pinigilan ko ang pagtawa ngunit natawa pa rin ako. “Ang seryoso mo masyado! Hindi ‘yon ang tanong ko.”

Umirap siya’t natawa lang akong muli. “Seryoso na. I just want to ask this to you ‘cause it seems like you know this well.”

“What is it then?”

Natahimik ako saglit at yumuko bago magsalita. “How does it feel when you fall in love? How will you know that is love?”

“You’re curious, huh?” Bakas sa tono niya ang pang-aasar dahilan para ngumuso ako. “Why are you asking?”

Inangat kong muli ang tingin ngunit hindi naman makatingin sa mga mata niya. “Wala lang. Sagutin mo na lang ang tanong ko.”

Natawa siya. “What’s your question again?”

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon