[FIROAH]
Kung nakamamatay lang ang katahimikan, siguro wala ng natira sa amin ngayon. Walang ni-isa sa amin ang kumikibo habang hinihintay si Prof. Bryce sa harapan ng gate. Tanging paghinga lang ang maririnig at ang ingay ng mga ibon sa paligid.
Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa aming mga balat dahilan para mayakap ko ang sarili. Nang muli kong pagmasdan ang mga kasama, bakas sa mukha nila ang kumpyansa. Tila ba hinahanda nila ang sarili sa sinumang trumaydor sa amin at bigla-bigla na lang susugod. Lahat sila’y nakatingin sa gate at halatang nakikiramdam lang sa paligid at sa mga kasamahan.
Alas singko pa lang ngunit may mga edtudyante na kaming nakikita sa ‘di kalayuan. Karamihan sa kanila’y hindi pa nakauniporme—kagigising pa lang yata at lumabas muna saglit sa dorm. Ang iilan nama’y kyuryosong napapatingin sa amin at napapatango na animo’y alam na kung bakit kami nasa harapan ng gate.
Mission. Iyon naman lagi ang dahilan. Ngunit wala sa kanila ang may alam kung ano’ng misyon ito. Ni hindi nila alam na maaaring nanganganib din ang kanilang buhay dahil maaaring narito rin sa campus ang mga kalaban at nakakasama lang nila.
Casual na naglalakad si Prof. Bryce papunta sa amin. Ang mga kamay niya ay nasa kaniyang mga bulsa at ang mukha’y seryoso. Huminto siya sa aming harapan at pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa amin bago magsalita. “Mag-ingat kayo roon. Kung may problema, tawagan n’yo lang ako. Kung sa tingin ninyo’y dehado kayo, ipaalam ninyo agad sa akin at magpapadala pa ako ng mga karagdagang estudyante.” Muli ay napabuntong-hininga siya. “Don’t trust each other too much....” muli niyang paalala.
Tumango lang kami at agad na lumabas sa campus. Alam ko ngayon, napagtanto na ni Prof. Bryce kung may traydor ba sa grupo namin o wala. He just wanted us to discover it ourselves. Gusto niyang subukan ang kakayahan namin at kung gaano kami katatag bilang grupo at indibiduwal.
No matter how tempting it was to use mind reading ability, I won’t use it. Gusto ko ring malaman iyon nang hindi ginagamit ang kapangyarihang iyon. Gusto kong subukan ang kakayahan ko sa pag-oobserba at pag-aanalisa. I’m sure Raiton knew it by now if there’s a traitor inside our group or maybe he could be the one. Kaze’s an empath but he might misenterpret someone’s feeling too. After all, feelings can be manipulated. He could also be one of the traitors.
Mizu seemed playful and friendly so it would be hard to think that he could be the traitor. Pero possible ang pagiging ganoon niya ay maskara sa kung ano talaga siya. He’s dangerous when he’s serious. I’ve witnessed it.
Michi, Hikari, and Angie, these three seemed vulnerable yet they’re strong. Wala sa mukha at ugali nila ang katangian ng dark magic user pero maaaring isa sa kanila ang kalaban.
Blaze, Jang and Justine, I don’t know much about them. Hindi ko sila masyadong nakasasalamuha dahil minsan, may sarili silang mundo. Madalas, silang tatlo ang magkasama.
All of them could possibly be a traitor... even Sairi. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may traydor nga sa amin. It was hard to accept. Hindi ko yata kayang kalabanin ang sinuman sa kanila.
It will be mind over heart.
Napabuntong-hininga ako nang agad kaming maka-teleport sa Amara. Dahil taga rito ang iilan sa amin ay madali kaming nakahanap ng hotel at nagpahinga muna. Apat na rooms ang inakupa namin at kasama ko si Angie sa kuwarto.
Nakaupo lang siya malapit sa bintana at malalim ang iniisip habang ako nama’y nakahiga sa kama at pinapahinga ang sarili. Mamayang tanghali pa naman kami magsisimula kaya may oras pa para matulog. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip. Ngunit kahit nakapikit na ay pinapakiramdaman ko pa rin ang paligid. Ilang beses akong nagigising kahit kaunting ingay lang ang naririnig.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...