Lalo akong kinabahan nang hindi na namin marinig ang boses ng nephilim. Kahit si Prof. Bryce na susulong na sana sa itim na usok ay nahinto. Hawak ni Angie ang braso kaya ramdam ko ang panginginig niya na dulot ng kaba at pangangamba. Lahat kami ay natahimik at nakatutok lang sa makapal na usok.
“Sairi...” mahinang bigkas ni Hikari. Para bang naiiyak na siya.
Nakakuyom lang ang aking kamay at mariing itinikom ang bibig habang nakatitig sa usok na iyon. Kung ano-anong imahe na ang naiisip ko na posibleng nangyayari sa loob niyon at hindi ko na nagugustuhan iyon.
Napakalaking apoy ang nakita namin nang unti-unting humupa ang itim na usok. Kulay pula ito at nahahaluan ng kaunting asul. Umawang ang bibig ko nang isang bulto ng lalaki ang naaninag namin doon. Nakatayo ito, nakayuko, at hawak-hawak ang maliit na bote na hugis puso. He was shirtless and had some bruises on his body.
Natuon ko ang tingin sa isa pang lalaking nasa kaniyang paanan. Nakapatong ang mga paa niya sa tiyan sa sunog at walang malay na lalaki at hindi ko alam kung buhay pa ba ito.
Nang muli kong iangat ang tingin, halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang mapagmasdan nang klaro ang kaniyang mukha nang tuluyang mawala ang apoy. I was relief and happy. I was surprised that I couldn’t move my feet as they walked toward him and hugged him. Nanonood lang ako sa kanila at hinahabol ang hininga.
“Who says we’re weaklings?” mayabang na utas ni Mizu saka niyakap si Sairi. Hinayaan lang siya ni Sairi ngunit kita sa mukha ni Sairi ang pagkairita.
“Akala namin, nalason ka ng apoy!” nakangiting ani Kaze at pabirong siniko si Sairi. He shut him a death glare but Kaze just laughed.
“Paano mo nagawa ‘yon?” nagtataka ngunit nangingiting tanong ni Raiton. Mayabang lang siyang sinuklian ng ngiti ni Sairi.
“You’re so cool right there, bro!” nagagalak na saad ni Mizu matapos niya itong yakapin.
He just smirked at them then glanced at me. Napaayos ako sa pagkakatayo at umiwas ng tingin.
“I got protected by a bubble.”
Ramdam na ramdam ko ang titig ng lahat sa akin ngunit wala ng mas nakapanghihina sa akin at nakapapabilis ng pagtibok ng puso ko kundi ang titig na iyon ni Sairi. Nakikita ko iyon sa gilid ng mga mata ko. Para ako niyong tinutunaw. Tuloy ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pero lumalambot ang mga paa ko.
Narinig ko ang mga yapak na patungo sa akin dahilan para mapayuko ako. Nasisiguro kong sa kaniya galing iyon dahil sa kaba sa dibdib ko. Huminto siya sa harap ko dahilan para mapaatras ako ngunit maagap niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at ipinirme ako sa kinatatayuan ko. Yumuko siya at hinuli ang tingin ko. Tikom ang bibig at nakayuko pa rin akong nakatitig sa mga paa ko, iniiwasan ang titig niya.
“Why can’t you look at me?” tanong niya sa namamaos at naiiritang boses.
“‘Cause I could hear them teasing us.”
Totoo iyon. Naririnig ko ang pagsipol ni Raiton at ang mahihinang tawa nina Mizu at Kaze na nang-aasar. Even Blaze an Justine were teasing us. The girls were just silent but I knew they were smiling even if I didn’t see their faces. Kahit si Prof. Bryce ay ganoon din.
Nagbuntong-hininga siya at ibinaling ang tingin sa kanila dahilan para tumahimik sila. Nang ibaling niyang muli ang tingin sa akin ay lalo pa akong napayuko. Nakikita ko rin ang walang saplot niyang katawan sa itaas dahilan para mag-init ang pisngi ko at makagat ko ang ibabang labi.
How could he be so sexy after we fought the nephilim?
Tapos naman na siguro ang misyon namin. Ano pa ba ang ginagawa namin dito? Dapat umuwi na kami, ‘di ba? Dapat din, nagbihis na siya! Bakit kasi nawala ang damit niya?
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...