CHAPTER 19

5K 182 29
                                    

Angie’s freewheeling to the right to overpass Mizu’s attack as she summoned her elemental katana and threw it against him. Mizu was quick to summon his elemental bow and arrow at pinana iyon. Parehas itong lumikha ng usok at naglaho.

Nawala ang pakpak ni Mizu nang mag-landing. Hinawakan nito ang sahig habang ang titig ay na kay Angie. Ngumisi pa ito nang unti-unting nabalutan ng yelo ang sahig. Angie glared at him. Bago pa siya maabutan ng yelo’y nagkaroon na siya ng pakpak at lumipad.

She attacked Mizu with her energy ball as she advanced toward him. Agad na nakagawa ng ice skateboard si Mizu kaya naman umikot-ikot lang siya sa Arena para makaiwas sa mga energy ball ni Angie at nagawa nga niya itong iwasan.

As the ice melted, the Arena was wet and slippery. Tumapak si Mizu rito nang nakangisi habang nakatingin kay Angie sa himpapawid. She knew if she landed, Mizu would control the water kaya naroon lang siya’t inaatake si Mizu ng energy balls. He was fighting back, releasing some ice spikes toward Angie, as he teleported from different directions to avoid the energy balls. Huli na nang malaman niyang ang isa sa mga ito na tumama sa barrier ng Arena sa likod niya ay bumalik dahilan para matamaan siya sa likod.

Bumagsak si Mizu sa sahig. His energy was slowly becoming weaker because of the energy ball. He couldn’t even stand up that’s why he remained on the floor, laughing as Angie walked and stood in front of him, giving him a proud look.

“Don’t really wanna hurt you,” he said, smiling. “Ayos lang na ako ang matalo kaysa masaktan kita.”

Namula si Angie at ‘di na makatingin sa kanya. “P-puro ka biro.”

Tumawa si Mizu pero agad din namang sumeryoso. “I swear this time, I mean it. I meant those words.”

“T-tumayo ka na nga lang diyan!” pagsusungit nito dahil hindi na nito alam kung ano pa ang sasabihin.

Angie was declared as the winner. Napuno ng hiyawan ang paligid. When the healers were about to get Mizu, Angie stopped them.

“There’s no need to do that. He isn’t wounded. He was just paralyzed ‘cause I took his energy. Ibabalik ko lang iyon, magiging okay na siya,” she said to them.

They just nodded and let Angie do what she needed to do. Hinawakan niya si Mizu sa braso, ang mga mata’y hindi magawang tumingon nang deretso sa binata, at dumaloy roon ang enerhiya mula sa kaniya papunta sa katawan nito.

Nang makabangon ay bumalik ang mapaglarong ngiti ni Mizu. “Gentleman ako, eh. Kaya nagpatalo na lang ako para sa ‘yo, Angie my labs!” Inakbayan nito si Angie at kinindatan pa.

Agad na tinaggal ni Angie ang kamay nito sa balikat niya at inirapan. “Ang sabihin mo, mas malakas na ako sa ‘yo ngayon!”

Mizu laughed and continued teasing her as they went back to their seats.

[FIROAH]

Nawawala si krass.

Kanina lang ay nakita ko pa siyang nakaupo roon sa puwesto nilang mga LEs pero bigla na lang siyang nawala roon. Nainip ba siya kaya umalis?

Sumimangot ako’t sinubukang hanapin siyang muli. Siguro’y lumipat lang siya ng ibang puwesto. Hindi naman siya maaaring umalis dahil may mga bantay sa entrance at exit ng Arena. Saka battle exam ngayon. He needed to be here kahit na nabo-bore na siya.

Pinikit ko ang mga mata ko. Sa pagdilat nito’y tumalas ang aking paningin. Klarong-klaro na sa akin ang mukha ng mga nadaraanan ng mata ko kahit na malayo ako sa kanila.

Still, I couldn’t find Sairi. Where did he go?

Ibinalik kong muli ang tingin kung saan naroon siya kanina at nasaksihan ng aking mga mata ang pagsulpot niya roon dahilan ng pagkaawang ng mga labi ko sa gulat. Mizu even looked at him with a curious look, nagtatanong.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon