"Daldal ka kasi nang daldal. 'Yan tuloy, 'di na natin napansin sila lolo at lola!" Dinuro niya ako sabay taas-baba ang kilay niya."Aba! Ako pa sinisisi mo! Ikaw nga itong tanong nang tanong sa 'kin!" naiinis kong sagot saka nilibot ulit ang paningin sa paligid.
Sa'n ba sila nagsusuot?
"Ang mabuti pa, imbis na magdaldalan tayo rito, hanapin na lang natin sila," ani ko at maglalakad na sana upang maghanap nang biglang may nagsalita sa likod namin.
"We're here, apo."
Sabay kaming napalingon ni Keira at nanlalaki ang mga matang tinitigan ang dalawang tao na parang nasa 20s lang ang gulang. They looked exactly like lolo Vlein and lola Veronica pero younger version.
"La, lo? Kayo ba talaga 'yan?" 'di makapaniwalang bulalas ko.
"Bumata lang kami, 'di n'yo na nakilala," ngiting ngiting sagot ng lalaki, nagmamayabang.
Infairness, may itsura sila.
"P-Paanong bumata kayo?" nauutal na tanong ni Keira.
Ngumiti si lola Veronica bago sumagot, "Ganito talaga rito sa Niji. Hindi tayo tumatanda. Hindi katulad do'n sa mundong kinalakihan n'yo."
Napaisip ako. Ilang beses na nga akong nakapunta rito sa mundong 'to at wala nga akong nakitang mga matatanda. Gano'n pala 'yon. Hindi man lang ako nagtaka.
"Ang astig ng lugar na 'to, ah-parang sa Neverland! May Peter Pan ba rito?" excited na ani Keira, kumikinang ang mga mata.
Natatawa ko siyang binatukan. "Baliw! Walang Peter Pan dito. Hindi ito Neverland, okay?"
Napakamot siya sa ulo at inisnaban ako. "Whatever."
Napangiti na lang ako sa akto niya.
"'Wag mo 'ko ma-smile smile diyan. Hindi ka nag-toothbrush. Kita 'yong cavity, oh! Yuck, mahiya ka naman!" nakangiting bara niya sa akin.
Nandidilim ang matang hinarap ko siya. "Nagto-toothbrush kaya ako lagi! Nakailan ka na sa 'kin, ah. Sapakin kaya kita?"
Pumagitna sa 'min si Lola at natatawang inawat kami. "Mga bata, tama na."
Ngumuso ako at binaling na lang ang tingin sa paligid. Hapon na pala.
"Tara na. Tama na ang away. Magagabihan pa tayo niyan," dagdag pa ni lola.
Nagsimula na kaming maglakad. Noon ko lang napansin na sa makulay na gubat kami dinala ng rainbow. Nagmumukha itong napakalaking hardin. Gubat talaga siya pero para na ring harden dahil sa dami ng makukulay at kumikinang na paruparu at tutubi na lumilipad. 'Yong mga puno rin dito ay iba-iba ang kulay. Para din itong candy land. Meron din namang mga puno na kulay green talaga ang dahon pero kaunti lang ang nakikita ko. May nakikita rin akong cherry blossoms sa paligid.
Agad kaming nag-ayos at naglinis ni Keira sa bahay nang nasa bahay na kami. Hindi ito malaki at sakto lang sa aming apat kaya madali lang itong linisin at ayusan. Kulay puti ang pintura nito at may dalawang kwarto, isang mini kitchen, maliit na living room at dining room, at isang common comfort room. Ani lolo ay ito ang bahay nila dati.
Nasa kitchen si lola, nagluluto ng hapunan. Si lolo nama'y nang-uutos lang. Psh!
Nang matapos ay kumain na kami at nagpahinga. Share kami ni Keira ng kuwarto. Si lolo at lola naman ay nasa kabilang kwarto.
Mahimbing na natutulog na si Keira sa tabi ko, pero heto ako't, gising pa rin sa 'di malamang dahilan. Siguro'y naninibago ako.
Ilang sandali pa'y naisipan kong lumabas muna at magpahangin. Dinala ako ng mga paa ko sa isang ilog 'di kalayuan sa bahay. Kumikinang ito-hindi lang dahil sa maliwanag na buwa kun'di dahil sa tubig nito mismo. Kitang-kita ko rin nang malinaw ang repleksyon ko rito.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...